YouVersion Logo
Search Icon

I MGA CRONICA 9

9
Ang mga Unang Nanirahan sa Jerusalem
1Sa gayon ang buong Israel ay itinala ayon sa mga talaan ng angkan; at sila'y nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel. At ang Juda ay naging bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagtataksil.
2Ang#Ezra 2:27; Neh. 7:73 mga unang nanirahan sa kanilang mga ari-arian sa kanilang mga bayan ay mga Israelita, mga pari, mga Levita, at ang mga lingkod sa templo.#9:2 Sa Hebreo ay Nethinim.
3Sa Jerusalem ay nanirahan ang iba sa mga anak nina Juda, Benjamin, Efraim, at Manases:
4si Utai, na anak ni Amihud, na anak ni Omri, na anak ni Imri, na anak ni Bani, sa mga anak ni Perez na anak ni Juda.
5Sa mga Shilonita: si Asaya na panganay, at ang kanyang mga anak.
6Sa mga anak ni Zera: si Jehuel, at ang kanilang mga kapatid, na animnaraan at siyamnapu.
7At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesulam, na anak ni Hodavias, na anak ni Hasenua;
8at si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzi, na anak ni Michri, at si Mesulam na anak ni Shefatias, na anak ni Reuel, na anak ni Ibnias;
9at ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi ay siyamnaraan at limampu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga puno sa mga sambahayan ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.
10Sa mga pari: sina Jedias, Jehoiarib, Jakin,
11at Azarias na anak ni Hilkias, na anak ni Mesulam, na anak ni Zadok, na anak ni Meraiot, na anak ni Ahitub, na tagapamahala sa bahay ng Diyos;
12si Adaya na anak ni Jeroham, na anak ni Pashur, na anak ni Malkia, at si Mahsai na anak ni Adiel, na anak ni Jazera, na anak ni Mesulam, na anak ni Mesillemith, na anak ni Imer;
13bukod sa kanilang mga kapatid, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo pitong daan at animnapu. Sila'y mga lalaking may kakayahan sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Diyos.
14At sa mga Levita: si Shemaya na anak ni Hashub, na anak ni Azricam, na anak ni Hashabias sa mga anak ni Merari;
15at sina Bacbacar, Heres, Galal, at si Matanias na anak ni Mikas, na anak ni Zicri, na anak ni Asaf;
16at si Obadias na anak ni Shemaya, na anak ni Galal, na anak ni Jedutun, at si Berequias na anak ni Asa na anak ni Elkana, na nanirahan sa mga nayon ng mga Netofatita.
Ang Bantay sa Pinto at ang Kanilang Gawain
17Ang mga bantay sa pinto ay sina Shallum, Acub, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kapatid (si Shallum ang pinuno),
18na hanggang ngayo'y nananatili sa pintuang-daan ng hari na dakong silangan. Sila ang mga bantay sa pinto sa kampo ng mga anak ni Levi.
19Si Shallum na anak ni Kora, na anak ni Abiasat, na anak ni Kora, at ang kanyang mga kapatid, sa sambahayan ng kanyang magulang, ang mga Korahita, ang namamahala sa gawaing paglilingkod, mga tagapagbantay ng mga pintuang-daan ng tolda, kung paanong ang kanilang mga ninuno ay mga tagapamahala sa kampo ng Panginoon, na mga bantay ng pasukan.
20Si Finehas na anak ni Eleazar ay pinuno nila nang panahong nakaraan, at ang Panginoon ay kasama niya.
21Si Zacarias na anak ni Meselemia ay bantay sa pinto ng toldang tipanan.
22Lahat ng mga ito na pinili upang maging mga bantay sa pinto sa mga tarangkahan ay dalawandaan at labindalawa. Ang mga ito'y itinalaga ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita ng pangitain.#9:22 Sa Hebreo ay tagakita.
23Kaya't sila at ang kanilang mga anak ay tagapamahala sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon, samakatuwid ay ang bahay ng tolda bilang mga bantay.
24Ang mga bantay sa pinto ay nasa apat na sulok sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.
25Ang kanilang mga kamag-anak na nasa mga nayon ay sapilitang pinapapasok tuwing ikapitong araw, tuwing kapanahunan, upang makasama ng mga ito,
26sapagkat ang apat na bantay ng pinto na mga Levita ay tagapamahala ng mga silid at mga kayamanan sa bahay ng Diyos.
27Sila'y naninirahan sa palibot ng bahay ng Diyos, sapagkat tungkulin nila ang pagbabantay at pagbubukas nito tuwing umaga.
28Ang ilan sa kanila ay nangangasiwa sa mga kasangkapan na ginagamit sa paglilingkod, sapagkat kailangan nilang bilangin ang mga ito kapag ipinapasok at inilalabas.
29Ang iba sa kanila ay itinalaga sa kasangkapan, sa lahat ng mga banal na kasangkapan, sa piling harina, sa alak, sa langis, at sa insenso, at sa mga pabango.
30Ang ilan sa mga anak ng mga pari ay naghahanda ng pagtitimpla ng mga pabango.
31Si Matithias, isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Shallum na Korahita ay tagapamahala sa paggawa ng manipis na tinapay.
32Ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Kohatita, ay tagapamahala sa tinapay na handog upang ihanda bawat Sabbath.
33Ang mga ito ang mga mang-aawit, mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga Levita, na naninirahan sa mga silid at malaya sa ibang katungkulan, sapagkat sila'y naglilingkod araw at gabi.
34Ang mga ito ay mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga Levita, ayon sa kanilang salinlahi, mga pinuno na naninirahan sa Jerusalem.
35Sa Gibeon ay nanirahan ang ama ni Gibeon, si Jehiel, at ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca.
36Ang kanyang anak na panganay ay si Abdon, na sinundan nina Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab;
37Gedor, Ahio, Zacarias, at Miclot.
38At naging anak ni Miclot si Samaam. At sila'y nanirahan ding katapat ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, kasama ng kanilang mga kapatid.
39Si Ner ang ama ni Kish; at naging anak ni Kish si Saul; at naging anak ni Saul sina Jonathan, Malkishua, Abinadab, at Esbaal.
40At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micaias.
41Ang mga anak ni Micaias ay sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz.
42At naging anak ni Ahaz si Jara; at naging anak ni Jara sina Alemet, Azmavet, at Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa.
43Naging anak ni Mosa si Bina; at si Refaias, Elesa at Asel ang kanyang mga anak.
44Si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, ito ang kanilang mga pangalan: Azricam, Bocru, Ismael, Seraia, Obadias, at Hanan. Ang mga ito ang mga naging anak ni Asel.

Currently Selected:

I MGA CRONICA 9: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for I MGA CRONICA 9