YouVersion Logo
Search Icon

Zacarias 6

6
Ang Pangitain Tungkol sa Apat na Karwahe
1Muli akong tumingin at may nakita akong apat na karwaheng lumabas sa pagitan ng dalawang malalaking bundok na tanso. 2Pula ang mga kabayong humihila sa unang karwahe, kulay itim naman sa pangalawa, 3mga#Pah. 6:2. kabayong kulay puti ang sa pangatlo, at mga kabayong batik-batik ang sa pang-apat. 4Itinanong ko sa anghel, “Ano po ang kahulugan ng mga karwaheng ito?”
5Sumagot#Pah. 7:1. siya, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin ng himpapawid na nagmula kay Yahweh na Panginoon ng buong daigdig. 6Ang hila ng mga kabayong kulay itim ay pupunta sa hilaga, sa kanluran naman ang hila ng puti, at sa timog naman ang hila ng may batik-batik.” 7Nang lumabas ang mga kabayong may batik-batik na pula, sila'y nagpipiglas upang siyasatin ang daigdig. Kaya sinabi ng anghel, “Sulong, siyasatin na ninyo ang daigdig!” At gayon nga ang ginawa ng mga ito. 8Walang anu-ano, isinigaw sa akin ng anghel, “Ang poot ni Yahweh ay pinayapa na ng mga kabayong nagpunta sa Babilonia!”
Ang Kahulugan ng Pagpuputong kay Josue
9Sinabi sa akin ni Yahweh, 10“Puntahan mo sina Heldai, Tobias at Jedaias na kasama ng mga bihag na dinala sa Babilonia. Pagkatapos, tumuloy ka kay Josias na anak ni Sefanias. Kunin mo ang kanilang mga handog na pilak at ginto, 11at gawin mong korona para sa pinakapunong paring si Josue na anak ni Jehozadak. 12Sabihin#Jer. 23:5; 33:15; Zac. 3:8. mo sa kanya, ‘Narito ang isang taong ang pangala'y Sanga. Tutubo siya mula sa kanyang kinalalagyan at ipatatayo niya ang templo ni Yahweh. 13Siya nga ang magtatayo ng templo, uupo sa trono, at manunungkulan bilang hari. Tutulungan siya ng isang pari at maghahari sa kanila ang mabuting pag-uunawaan. 14Ang korona ay mananatili sa templo bilang pag-alala kina Heldai,#14 HELDAI: Sa ibang manuskrito'y Helem. Tobias, Jedaias at Josias.’”#14 JOSIAS: Sa ibang manuskrito'y Hen.
15Magsisiparito ang mga taong taga-malayong lupain upang tumulong sa pagtatayo ng templo ni Yahweh. Sa gayon, mapapatunayan ninyong isinugo nga ako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Mangyayari ang lahat ng ito kung tutuparin ninyo ang kanyang mga utos.

Currently Selected:

Zacarias 6: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy