Pahayag 14
14
Ang Awit ng mga Tinubos
1Tumingin#Eze. 9:4; Pah. 7:3. ako, at nakita ko ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Zion, kasama ang 144,000 tao. Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama. 2At narinig ko mula sa langit ang isang tinig na sinlakas ng mga alon sa dagat at dagundong ng kulog. Ang tinig na narinig ko'y parang tugtugan ng mga alpa. 3Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buháy at sa harap ng mga pinuno. Walang makaunawa sa awit na iyon kundi ang 144,000 na tinubos mula sa sanlibutan. 4Ito ang mga lalaking nanatiling malinis at hindi nagkaroon ng anumang kaugnayan sa mga babae. Sumusunod sila sa Kordero saanman siya magpunta. Sila'y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog sa Diyos at sa Kordero. 5Hindi#Zef. 3:13. sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.
Ang Tatlong Anghel
6Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa kalawakan, dala ang walang katapusang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lahi, wika, at bayan. 7Sinabi niya nang malakas, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!”
8Sumunod#Isa. 21:9; Jer. 51:8; Pah. 18:2. naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng tao ng alak ng kanyang kahalayan!”
9At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na sumisigaw nang malakas, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, 10ay#Isa. 51:17; Gen. 19:24; Eze. 38:22. paiinumin ng Diyos ng alak ng kanyang poot na walang halong ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. 11Ang#Isa. 34:10. usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay mag-aalab magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.”
12Kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananampalataya kay Jesus.
13At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan.”
Ang Pag-aani
14Tumingin#Dan. 7:13. uli ako, at nakita ko naman ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang kamukha ng Anak ng Tao, may suot na koronang ginto at may hawak na isang matalim na karit. 15Isa#Joel 4:13. pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang aanihin sa lupa!” 16Ginamit nga ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at ginapas ang dapat anihin sa lupa.
17At isa pang anghel ang nakita kong lumabas mula sa templo sa langit; may hawak din itong matalim na karit. 18Lumabas naman mula sa dambana ang isa pang anghel. Siya ang namamahala sa apoy sa dambana. Sinabi niya sa anghel na may matalim na karit, “Gamitin mo na ang iyong karit, at anihin mo ang mga ubas sa lahat ng ubasan sa lupa, sapagkat hinog na ang mga ito!” 19Kaya't ginamit ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan. Ang pisaang ito ay larawan ng matinding poot ng Diyos. 20Pinisa#Isa. 63:3; Panag. 1:15; Pah. 19:15. sa labas ng bayan ang mga ubas at mula sa pisaan ay bumaha ng dugo. Ang lawak ng baha ay umabot hanggang 300 kilometro, at ang lalim ay sintaas ng sa nguso ng kabayo.
Currently Selected:
Pahayag 14: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society