Mga Awit 8
8
Kaluwalhatian ng Diyos at Dignidad ng Tao
Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng Gittith.#GITTITH: Ang kahulugan ng salitang ito'y maaaring tumutukoy sa isang uri ng instrumento o sa isang uri ng tono.
1O Yahweh, na aming Panginoon,
sa buong mundo'y tunay kang dakila!
Iyong papuri'y abot sa langit!
2Pinupuri#Mt. 21:16. ka ng mga bata't bagong silang,
ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan,
kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.
3Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay,
pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.
4Ano#Job 7:17-18; Awit 144:3; Heb. 2:6-8. ba ang tao upang iyong pahalagahan;
o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?
5Nilikha#Kar. 2:23; Ecc. 17:1-4. mo siyang mababa sa iyo#5 iyo: o kaya'y mga anghel. nang kaunti,
pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.
6Ginawa#1 Cor. 15:27; Ef. 1:22; Heb. 2:8. mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha,
sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala:
7mga tupa at kawan pati na ang mababangis,
8lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan,
at lahat ng nilikhang nasa karagatan.
9O Yahweh, na aming Panginoon,
sa buong mundo'y tunay kang dakila!
Currently Selected:
Mga Awit 8: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society