YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 111

111
Awit ng Pagpupuri sa Kadakilaan ni Yahweh
1Purihin si Yahweh!
Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.
2Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila,
mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;
3lahat niyang gawa'y dakila at wagas,
katuwiran niya'y hindi magwawakas.
4Hindi maaalis sa ating gunita,
si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha.
5Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana;
pangako ni Yahweh ay di nasisira.
6Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay,
nang ibigay niya lupa ng dayuhan.
7Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,
at maaasahan lahat niyang batas.
8Ito ay lalagi at di magwawakas,
pagkat ang saliga'y totoo't matapat.
9Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang,
may ipinangakong walang hanggang tipan;
Banal at dakila ang kanyang pangalan!
10Ang#Job 28:28; Kaw. 1:7; 9:10. pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan.
Taong masunurin, pupurihing lubos.
Purihin ang Diyos magpakailanman!

Currently Selected:

Mga Awit 111: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in