YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 103:1-4

Mga Awit 103:1-4 MBB05

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa. Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas, at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag.