YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 100

100
Awit ng Pagpupuri
Isang Awit ng Pasasalamat.
1Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
2Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!
3O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman,
tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.
4Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang,
umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal;
purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!
5Napakabuti#1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Ez. 3:11; Awit 106:1; 107:1; 118:1; 136:1; Jer. 33:11. ni Yahweh,
pag-ibig niya'y walang hanggan,
pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Currently Selected:

Mga Awit 100: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in