YouVersion Logo
Search Icon

Mga Kawikaan 16

16
Mga Kawikaan Tungkol sa Buhay at Pag-uugali
1Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula,
ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.
2Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos,
ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos.
3Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,
at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
4Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan,
at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.
5Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang,
at sila'y tiyak na paparusahan.
6Katapatan#Tb. 12:9. kay Yahweh, bunga ay kapatawaran,
ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.
7Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh,
maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati.
8Ang#Tb. 12:8. maliit na halaga buhat sa mabuting paraan
ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.
9Ang tao ang nagbabalak,
ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
10Ang bibig ng hari ay bukal ng mga pasyang kinasihan,
hindi siya namamali sa lahat niyang kahatulan.
11Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan,
at sa negosyo ay katapatan.
12Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan,
pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan.
13Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan,
at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan.
14Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari;
kapag nagalit ang hari, may buhay na masasawi.
15Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal,
may dalang ulan, may taglay na buhay.
16Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,
at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.
17Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan;
ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay.
18Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak,
at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.
19Higit na mabuti ang mapagpakumbabá kahit na mahirap,
kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.
20Ang sumusunod sa payo ay mananagana,
at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala.
21Ang matalinong tao ay nakikilala sa kanyang pang-unawa,
ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba.
22Ang karunungan ay bukal ng buhay para sa matalino,
ngunit mahirap maturuan ang mangmang na tao.
23Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin,
kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin.
24Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan,
matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.
25May#Kaw. 14:12. daang matuwid sa tingin ng tao,
ngunit kamatayan ang dulo nito.
26Dahil sa pagkain ang tao'y nagsisikap;
upang ang gutom ay bigyan ng lunas.
27Ang laman ng isip ng tampalasan ay puro kasamaan,
ang kanyang mga labi ay parang nakakapasong apoy.
28Ang#Ecc. 28:13-26. taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan,
at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.
29Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa,
at ibinubuyo sa landas na masama.
30Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat;
pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.
31Ang mga uban ay putong ng karangalan,
ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay.
32Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan,
at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.
33Isinasagawa ng tao ang palabunutan,
ngunit si Yahweh lang ang huling kapasyahan.

Currently Selected:

Mga Kawikaan 16: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in