YouVersion Logo
Search Icon

Mga Bilang 26

26
Ang Pangalawang Sensus
1Pagkalipas#Bil. 1:1-46. ng salot, sinabi ni Yahweh kina Moises at Eleazar na anak ni Aaron, 2“Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng mga Israelita na maaaring isama sa hukbo upang makipagdigma, mula sa gulang na dalawampung taon pataas.” 3Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. 4Binilang at inilista ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang listahan ng mga Israelitang umalis sa Egipto:
5Sa lipi ni Ruben na panganay ni Israel ay ang mga angkan nina Hanoc, Fallu, 6Hesron at Carmi. 7Ang mga angkang ito ang bumubuo sa lipi ni Ruben. Silang lahat ay 43,730. 8Ang anak ni Fallu ay si Eliab 9at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Korah, ang nagpasimuno sa mga Israelita ng paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh. 10Si Korah naman at ang kanyang 250 kasama ang nilamon ng lupa. Ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing babala sa buong bayan. 11Gayunma'y hindi kasamang namatay ang mga anak ni Korah.
12Sa lipi naman ni Simeon ay ang mga angkan nina Nemuel, Jamin, Jaquin, 13Zera at Saul. 14Ang kabuuang bilang ng lipi ni Simeon ay 22,200.
15Sa lipi ni Gad ay ang mga angkan nina Zefon, Hagui, Suni, 16Ozni, Eri, 17Arod at Areli. 18Ang kabuuang bilang ng lipi ni Gad ay 40,500.
19Sa lipi naman ni Juda, hindi kabilang sina Er at Onan na namatay sa Canaan, ay 20ang mga angkan nina Sela, Fares, Zara, 21Hezron at Hamul. 22Ang kabuuang bilang sa lipi ni Juda ay 76,500.
23Sa lipi ni Isacar ay ang mga angkan nina Tola, Pua, 24Jasub at Simron. 25Lahat-lahat sa lipi ni Isacar ay 64,300.
26Sa lipi ni Zebulun ay ang mga angkan nina Sered, Elon at Jahleel. 27Silang lahat ay 60,500.
28Sa lipi ni Jose na may dalawang anak ay ang mga angkan nina Manases at Efraim.
29Sa lipi ni Manases ay ang angkan ni Maquir at ang anak nitong si Gilead. 30Ang angkan ni Gilead ay binubuo ng mga sambahayan nina Jezer, Helec, 31Asriel, Shekem, 32Semida, at Hefer. 33Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagkaanak ng lalaki, kundi panay babae: sina Maala, Noa, Hogla, Milca at Tirza. 34Lahat-lahat sa angkan ni Manases ay 52,700.
35Sa lipi ni Efraim ay ang mga angkan nina Sutela, Bequer, at Tahan. 36Ito naman ang bumubuo sa angkan ni Sutela: si Eran at ang kanyang sambahayan. 37Ang kabuuang bilang sa lipi ni Efraim ay 32,500. Ito ang mga angkang nagmula sa lipi ni Jose.
38Sa lipi ni Benjamin ay ang mga angkan nina Bela, Asbel, Ahiram, 39Sufam, at Hufam. 40Ang bumubuo sa angkan ni Bela ay ang mga sambahayan nina Ard at Naaman. 41Lahat-lahat sa lipi ni Benjamin ay 45,600.
42Sa lipi ni Dan ay ang angkan ni Suham 43na ang kabuuang bilang ay 64,400.
44Sa lipi ni Asher ay ang mga angkan nina Imna, Isvi, at Beria. 45Ang angkan ni Beria ay binubuo ng mga sambahayan nina Heber at Malquiel. 46Si Asher ay may anak na babae na nagngangalang Sera. 47Lahat-lahat sa lipi ni Asher ay 53,400.
48Sa lipi ni Neftali ay ang mga angkan nina Jahzeel, Guni, 49Jezer at Silem. 50Lahat-lahat sa lipi ni Neftali ay 45,400.
51Ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay 601,730.
Ang Paghahati ng Lupain
52Sinabi#Bil. 34:13; Jos. 14:1-2. ni Yahweh kay Moises, 53“Hatiin mo ang lupain ayon sa laki ng bawat lipi. 54Malaki ang kaparte ng malaking lipi at maliit ang sa maliit na lipi. Ang kaparte ng bawat lipi ay ayon sa dami ng kanyang bilang. 55Ang lupain ay hahatiin sa pamamagitan ng palabunutan, sa pangalan ng bawat lipi. 56Ang pagtatakda ng kaparte ng bawat lipi ay dadaanin sa palabunutan.”
Ang Lipi ni Levi
57Ang lipi naman ni Levi ay binubuo ng mga angkan nina Gershon, Kohat, at Merari. 58Kabilang din sa liping ito ang mga sambahayan ni Libni, Hebron, Mahli, Musi at Korah. Si Kohat ang ama ni Amram, 59na napangasawa ni Jocebed na kabilang din sa lipi ni Levi. Isinilang si Jocebed sa Egipto. Naging anak nila sina Aaron, Moises at Miriam. 60Naging#Bil. 3:2. anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 61Sina#Lev. 10:1-2; Bil. 3:4. Nadab at Abihu ay namatay nang sila'y gumamit ng apoy na di karapat-dapat kay Yahweh. 62Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa gulang na isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain.
Sina Caleb at Josue Lamang ang Natira
63Ito ang mga Israelitang binilang at inilista ni Moises at ng paring si Eleazar sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa may tapat ng Jerico. 64Dito'y walang kasama isa man sa mga Israelitang itinala nina Moises at Aaron noong sila'y nasa Bundok ng Sinai. 65Ang#Bil. 14:26-35. mga ito'y namatay, liban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun, tulad ng sinabi ni Yahweh.

Currently Selected:

Mga Bilang 26: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for Mga Bilang 26