Job 9
9
Ang Sagot ni Job
1Ito naman ang tugon ni Job:
2“Matagal#Job 4:17. ko nang alam ang mga bagay na iyan,
ngunit sino bang matuwid sa harap ng Maykapal?
3Mayroon bang maaaring makipagtalo sa kanya?
Sa sanlibo niyang tanong,
walang makakasagot kahit isa.
4Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan,
sinong lumaban na sa kanya at nagtagumpay?
5Walang sabi-sabing inuuga niya ang bundok,
sa tindi ng kanyang galit, ito'y kanyang dinudurog.
6Ang buong lupa ay kanyang niyayanig,
at inuuga niya ang saligan ng daigdig.
7Maaari#Bar. 3:34-35. niyang pigilan ang pagsikat ng araw,
pati ang mga bituin sa kalangitan.
8Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan,
kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan.
9Siya#Job 38:31; Amos 5:8. ang gumawa ng mga bituin sa kalawakan, sa ‘Oso,’ sa ‘Orion,’
sa ‘Pleyades’ at sa mga kumpol ng mga bituin sa katimugan.
10Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan,
ang kanyang mga himala ay hindi mabibilang.
11Siya'y nagdaraan ngunit hindi ko mamasdan, siya'y kumikilos ngunit hindi ko maramdaman.
12Nakukuha niya ang anumang magustuhan, at sa kanya'y walang makakahadlang,
walang makakapagtanong, ‘Bakit mo ginawa iyan?’
13“Ang poot ng Diyos ay hindi maglulubag
sa mga tumulong sa dambuhalang si Rahab.
14Paano ko masasagot ang tanong niya sa akin? Maghahanap pa ako ng mga salitang aking bibigkasin.
15Kahit ako'y walang sala, ang tangi kong magagawa,
sa harap ng Diyos na hukom ay magmakaawa.
16Kahit bayaan niyang ako'y magsalita,
hindi ko rin matiyak kung ako'y papakinggan nga.
17Malakas na bagyo at mga sugat ang sa aki'y ibinigay,
kahit wala naman siyang sapat na dahilan.
18Ang hininga ko ay halos kanya nang lagutin,
puro kapaitan ang idinulot niya sa akin.
19Sa lakas niyang taglay hindi siya kayang talunin,
hindi siya maaaring pilitin at sa hukuman ay dalhin.
20Ako'y walang kasalanan at tapat na namumuhay,
ngunit bawat sabihin ko ay laban sa aking katauhan.
21Wala nga akong sala, ngunit hindi na ito mahalaga,
wala nang halaga ang aking sarili, pagod na akong mabuhay.
22Iisa ang pupuntahan ng lahat, ito ang aking nasabi.
Kapwa wawasakin ng Diyos ang masama at ang mabuti.
23Kung ang taong matuwid ay biglang namatay,
tinatawanan ng Diyos ang sinapit ng kawawa.
24Hinayaan niyang ang daigdig ay pagharian ng masama,
ang paningin ng mga hukom ay tinatakpan niya.
Kung di siya ang may gawa nito, sino pa nga kaya?
25“Ang aking mga araw ay mabilis lumilipas, walang mabuting nangyayari kaya't nagmamadaling tumatakas.
26Parang mabilis na bangka ang buhay kong ito,
kasing bilis ng agila kung dumadagit ng kuneho.
27Kung kakalimutan ko na lang ang aking pagdurusa,
at tatawanan ko na lang ang aking problema,
28nangangamba ako na inyong ipalagay,
na ang kasawian ko ay bunga ng aking kasalanan.
29Kung ako'y napatunayan nang nagkasala, anong pagsisikap ang magagawa ko pa?
30Hindi ako malilinis ng kahit anong sabon, hindi na ako puputi kuskusin man ng apog,
31matapos mo akong ihagis sa napakaruming balon.
Ikinahihiya ako maging ng aking sariling damit.
32Kung ang Diyos ay tao lang, siya'y aking sasagutin,
kahit umabot sa hukuman ang aming usapin.
33Ngunit sa aming dalawa'y walang tagapamagitan,
upang alitan namin ay kanyang mahatulan.
34Ang pamalo ng Diyos sana'y ilayo na sa akin,
at huwag na sana niya akong takutin.
35At ihahayag ko ang nais kong sabihin,
sapagkat ako ang nakakaalam ng sarili kong damdamin.
Currently Selected:
Job 9: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society