Mga Hebreo 1
1
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2Ngunit#Kar. 7:22. nitong mga huling araw, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. 3Ang#Kar. 7:25-26; 8:1. Anak ang maningning na sinag ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos doon sa langit.
Mas Dakila ang Anak kaysa sa mga Anghel
4Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila. 5Sapagkat#Awit 2:7; 2 Sam. 7:14; 1 Cro. 17:13. kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,
“Ikaw ang aking Anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”
Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,
“Ako'y kanyang magiging Ama,
at siya'y aking magiging Anak.”
6At#Deut. 32:43 (LXX). nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,
“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”
7Tungkol#Awit 104:4 (LXX). naman sa mga anghel ay sinabi niya,
“Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel,
at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”
8Ngunit#Awit 45:6-7. tungkol sa Anak ay sinabi niya,
“Ang iyong trono, O Diyos#8 o kaya'y: Ang Diyos ang iyong trono. ay magpakailan pa man,
ikaw ay maghaharing may katarungan.
9Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi;
kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili;
higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.”
10Sinabi#Awit 102:25-27 (LXX). pa rin niya,
“Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan,
at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan.
11Maliban sa iyo, lahat ay lilipas,
at tulad ng damit, lahat ay kukupas,
12at ililigpit mong gaya ng isang balabal,
at tulad ng damit, sila'y papalitan.
Ngunit mananatili ka't hindi magbabago,
walang katapusan ang mga taon mo.”
13Kailanma'y#Awit 110:1. hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,
“Maupo ka sa kanan ko,
hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”
14Ano#Tb. 12:14-15. ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas.
Currently Selected:
Mga Hebreo 1: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society