YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 82

82
Salmo 82#82 Salmo 82 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni Asaf.
Pinagsabihan ng Dios ang mga Namumuno
1Pinamumunuan ng Dios ang pagtitipon ng kanyang mga mamamayan.
Sa gitna ng mga hukom#82:1 mga hukom: Sila ay mga pinuno rin ng Israel. siya ang humahatol sa kanila.
2 Sinabi niya sa kanila, “Hanggang kailan kayo hahatol ng hindi tama?
Hanggang kailan ninyo papaboran ang masasama?
3Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila.
Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi.
4Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao!
5Wala silang nalalaman! Hindi sila nakakaintindi!
Wala silang pag-asa, namumuhay sila sa kadiliman at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.
6Sinabi ko na sa inyo na kayo ay mga dios, mga anak ng Kataas-taasang Dios.
7Ngunit gaya ng ibang mga namumuno ay babagsak kayo, at gaya ng ibang tao ay mamamatay din kayo.”
8Sige na, O Dios, hatulan nʼyo na ang lahat ng bansa sa mundo, sapagkat sila namaʼy sa inyo.

Currently Selected:

Salmo 82: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in