Salmo 48
48
Salmo 48#48 Salmo 48 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
Ang Zion ang Bayan ng Dios
1Dakila ang Panginoon na ating Dios,
at karapat-dapat na papurihan sa kanyang bayan,
ang kanyang banal na bundok.
2Itoʼy mataas at maganda,
at nagbibigay kagalakan sa buong mundo.
Ang banal na bundok ng Zion ay ang bayan ng Makapangyarihang Hari.
3Ang Dios ay nasa mga muog ng Jerusalem,
at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.
4Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem.
5Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan,
nagulat, natakot at nagsitakas sila.
6Dahil sa takot, nanginig sila
gaya ng babaeng nanganganak na namimilipit sa sakit.
7Winasak sila ng Dios tulad ng mga barkong panglayag#48:7 barkong panglayag: sa Hebreo, barko ng Tarshish.
na sinisira ng hanging amihan.
8Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Dios,
pero ngayon, tayo mismo ang nakakita sa ginawa niya sa kanyang bayan.
Siya ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan,
at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman.
9Sa loob ng inyong templo, O Dios,
iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat.
10O Dios, dakila ang pangalan nʼyo,
at pinupuri kayo ng mga tao sa buong mundo.
Ang kapangyarihan nʼyo ay laging makatarungan.
11Nagagalak ang mga mamamayan ng Zion,#48:11 mamamayan ng Zion: sa literal, Bundok ng Zion. Tinatawag ding Zion ang Jerusalem.
at ng mga bayan ng Juda,
dahil sa inyong makatarungang paghatol.
12 Mga mamamayan ng Dios,
libutin ninyo ang Zion at bilangin ninyo ang mga tore nito.
13Tingnan ninyong mabuti ang mga pader at ang mga tanggulan ng bayan na ito,
upang masabi ninyo sa susunod na salinlahi,
14“Siya ang Dios, ang Dios natin magpakailanman.
Siya ang gagabay sa atin habang buhay.”
Currently Selected:
Salmo 48: ASND
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.