YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 24

24
Salmo 24#24 Salmo 24 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David.
Ang Dios ang Dakilang Hari
1Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon.
2Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat.
3Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon?
At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo?
4Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso,
ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan,
at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.
5Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon, ang Dios na kanyang Tagapagligtas.
6Iyan ang mga taong makakalapit at sasamba sa Dios ni Jacob.
7Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo
upang makapasok ang Haring makapangyarihan!
8Sino ang Haring makapangyarihan?
Siya ang Panginoong malakas at matatag sa pakikipaglaban.
9Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo
upang makapasok ang Haring makapangyarihan!
10Sino ang Haring makapangyarihan?
Siya ang Panginoon na pinuno ng hukbo ng kalangitan.
Tunay nga siyang Haring makapangyarihan!

Currently Selected:

Salmo 24: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in