YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 133

133
Salmo 133#133 Salmo 133 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit habang paakyat. Kay David ito.
Pagsasamahang may Pagkakaisa
1Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Dios na namumuhay nang may pagkakaisa.
2Itoʼy parang mamahaling langis na ibinuhos sa ulo ni Aaron na dumaloy sa kanyang balbas at kwelyo ng damit.
3Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon na umaabot sa Bundok ng Zion.
At dito sa Zion ay nangako ang Panginoon na magbibigay nang pagpapala, at itoʼy ang buhay na walang hanggan.

Currently Selected:

Salmo 133: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in