Aking itatanim sa ilang ang sedro,
ang puno ng akasya, at ang arayan, at ang olibo;
aking ilalagay na magkakasama sa ilang ang sipres na puno,
ang alerses at pino;
upang makita at malaman ng mga tao,
isaalang-alang at sama-samang unawain,
na ginawa ito ng kamay ng PANGINOON,
at nilikha ito ng Banal ng Israel.