1
2 Hari 6:17
Ang Salita ng Dios
Nanalangin si Eliseo, “PANGINOON, buksan po ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya.” Binuksan ng PANGINOON ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo.
Compare
Explore 2 Hari 6:17
2
2 Hari 6:16
Sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila.”
Explore 2 Hari 6:16
3
2 Hari 6:15
Kinabukasan, gumising ng maaga ang katulong ni Eliseo, nakita niya ang mga sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe na nakapaligid sa lungsod. Sinabi niya kay Eliseo, “Ano po ang gagawin natin, amo?”
Explore 2 Hari 6:15
4
2 Hari 6:18
Habang papunta ang mga kaaway kay Eliseo, nanalangin siya, “PANGINOON, bulagin po ninyo ang mga taong ito.” Kaya binulag sila ng PANGINOON ayon sa hiling ni Eliseo.
Explore 2 Hari 6:18
5
2 Hari 6:6
Tinanong ni Eliseo, “Saang banda nahulog?” Itinuro niya kung saang banda ito nahulog, pumutol si Eliseo ng sanga at inihagis ito sa tubig. At lumutang ang ulo ng palakol.
Explore 2 Hari 6:6
6
2 Hari 6:5
Habang ang isa sa kanila ay pumuputol ng punongkahoy, nahulog ang ulo ng palakol niya sa tubig, kaya sumigaw siya, “Guro, hiniram ko lang po iyon!”
Explore 2 Hari 6:5
7
2 Hari 6:7
Sinabi ni Eliseo, “Kunin mo na.” At kinuha nga niya ito.
Explore 2 Hari 6:7
Home
Bible
Plans
Videos