1
2 Hari 5:1
Ang Salita ng Dios
Iginagalang ng hari ng Aram si Naaman na pinuno ng kanyang hukbo, dahil pinagtagumpay ng PANGINOON ang Aram sa pamamagitan niya. Matapang siyang sundalo, pero may malubhang sakit sa balat.
Compare
Explore 2 Hari 5:1
2
2 Hari 5:10
Nagsugo si Eliseo ng mensahero para sabihin kay Naaman na pumunta siya sa Ilog ng Jordan, lumubog doon ng pitong beses at gagaling siya.
Explore 2 Hari 5:10
3
2 Hari 5:14
Kaya pumunta si Naaman sa Ilog ng Jordan at lumubog ng pitong beses, ayon sa sinabi ng lingkod ng Dios. Gumaling nga ang kanyang sakit at kuminis ang kanyang balat gaya ng balat ng sanggol.
Explore 2 Hari 5:14
4
2 Hari 5:11
Pero nagalit si Naaman at umalis nang padabog. Sinabi niya, “Akala ko, talagang lalabas siya at haharap sa akin. Iniisip ko na tatawagin niya ang PANGINOON niyang Dios, at ikukumpas ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking balat at pagagalingin ako.
Explore 2 Hari 5:11
5
2 Hari 5:13
Pero lumapit ang mga utusan niya at sinabi, “Amo, kung may ipinapagawa po sa inyo na malaking bagay ang propeta, hindi ba gagawin ninyo ito? Pero bakit hindi ninyo magawa ang sinabi niya na maghugas at gagaling kayo.”
Explore 2 Hari 5:13
6
2 Hari 5:3
Isang araw, sinabi ng dalagita sa kanyang amo, “Kung makikipagkita lang ang amo ko na si Naaman sa propeta na nasa Samaria, pagagalingin siya nito sa sakit niya sa balat.”
Explore 2 Hari 5:3
Home
Bible
Plans
Videos