JUAN 9

9
Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag
1Sa kanyang paglalakad, nakita niya ang isang lalaking bulag mula pa sa kanyang pagkapanganak.
2Tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, kaya siya'y ipinanganak na bulag?”
3Sumagot si Jesus, “Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, o ang kanyang mga magulang man, kundi upang mahayag sa kanya ang mga gawa ng Diyos.”
4Kailangan nating#9:4 Sa ibang mga kasulatan ay Kailangan kong. gawin ang mga gawa niyong nagsugo sa akin,#9:4 Sa ibang mga kasulatan ay atin. samantalang araw pa. Dumarating ang gabi, na walang taong makakagawa.
5Habang#Mt. 5:14; Jn. 8:12 ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.”
6Nang masabi niya ang mga bagay na ito, siya'y dumura sa lupa, at gumawa ng putik mula sa dura, at pinahiran ng putik ang mga mata ng lalaki.
7At sinabi sa kanya, “Humayo ka, maghugas ka sa imbakan ng tubig ng Siloam” (na ang kahulugan ay Sinugo). Humayo nga siya at naghugas at bumalik na nakakakita.
8Kaya't ang mga kapitbahay at ang mga nakakita sa kanya nang una, na siya'y pulubi, ay nagsabi, “Hindi ba ito ang nakaupo noon at nagpapalimos?”
9Sinabi ng iba, “Siya nga.” Ang sabi ng iba, “Hindi, subalit kamukha niya.” Sinabi niya, “Ako nga iyon.”
10Kaya't sinabi nila sa kanya, “Paanong nabuksan ang iyong mga mata?”
11Sumagot siya, “Ang taong tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin, ‘Pumunta ka sa Siloam, at maghugas ka.’ Kaya't ako'y umalis at naghugas, at nagkaroon ako ng paningin.”
12Sinabi nila sa kanya, “Saan siya naroon?” Sinabi niya, “Hindi ko alam.”
Siniyasat ng mga Fariseo ang Pagpapagaling
13Dinala nila sa mga Fariseo ang lalaki na dating bulag.
14Noon ay araw ng Sabbath nang gumawa ng putik si Jesus, at binuksan ang kanyang mga mata.
15Muli na naman siyang tinanong ng mga Fariseo kung paano siya nagkaroon ng paningin. At sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata, at hinugasan ko, at ako'y nakakita.”
16Kaya't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, “Ang taong ito'y hindi mula sa Diyos, sapagkat hindi siya nangingilin ng Sabbath.” Subalit sinabi ng iba, “Paanong makakagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan?” At nagkaroon ng pagkakahati-hati sa kanila.
17Muling sinabi nila sa bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kanya, sapagkat binuksan niya ang iyong mga mata?” At kanyang sinabi, “Siya'y isang propeta.”
18Hindi naniwala ang mga Judio na siya'y dating bulag at nagkaroon ng kanyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang ng lalaki na nagkaroon ng paningin,
19at tinanong sila, “Ito ba ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? Paanong nakakakita na siya ngayon?”
20Sumagot ang kanyang mga magulang, “Alam naming ito'y aming anak, at siya'y ipinanganak na bulag.
21Subalit kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin alam, o kung sino ang nagbukas ng kanyang mga mata, ay hindi namin kilala. Tanungin ninyo siya, siya'y may sapat na gulang na, at siya'y magsasalita para sa kanyang sarili.”
22Ang mga bagay na ito'y sinabi ng kanyang mga magulang sapagkat natatakot sila sa mga Judio. Sapagkat pinagkaisahan na ng mga Judio, na kung ang sinuman ay magpahayag na si Jesus#9:22 Sa Griyego ay siya. ang Cristo ay palalayasin mula sa sinagoga.
23Kaya't sinabi ng kanyang mga magulang, “Siya'y may sapat na gulang na, tanungin ninyo siya.”
24Dahil dito'y tinawag nilang muli ang taong dating bulag, at sinabi sa kanya, “Luwalhatiin mo ang Diyos. Nalalaman naming makasalanan ang taong ito.”
25Sumagot siya, “Kung siya'y makasalanan ay hindi ko alam. Isang bagay ang nalalaman ko, bagaman ako'y dating bulag, ngayo'y nakakakita na ako.”
26Sinabi nila sa kanya, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya binuksan ang iyong mga mata?”
27Kanyang sinagot sila, “Sinabi ko na sa inyo, at hindi kayo nakinig. Bakit ibig ninyong marinig uli? Ibig din ba ninyong maging mga alagad niya?”
28At siya'y kanilang nilait at sinabi, “Ikaw ay alagad niya, subalit kami'y mga alagad ni Moises.
29Alam naming nagsalita ang Diyos kay Moises, subalit tungkol sa taong ito, ay hindi namin nalalaman kung saan siya nagmula.”
30Sumagot ang tao at sa kanila'y sinabi, “Ito ang nakapagtataka! Hindi ninyo alam kung saan siya nagmula, subalit binuksan niya ang aking mga mata.
31Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, subalit kung ang sinuman ay sumasamba sa Diyos at gumaganap ng kanyang kalooban, ito ang kanyang pinapakinggan.
32Buhat nang magsimula ang sanlibutan ay hindi narinig kailanman na binuksan ng sinuman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag.
33Kung ang taong ito'y hindi galing sa Diyos, siya ay hindi makakagawa ng anuman.”
34Kanilang sinagot siya, “Ipinanganak kang lubos sa kasalanan, at tuturuan mo pa kami?” At siya'y pinalayas nila.
Espirituwal na Pagkabulag
35Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila at nang kanyang makita siya, ay sinabi niya, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”#9:35 Sa ibang mga kasulatan ay Anak ng Diyos.
36Sumagot siya, “Sino ba siya, Ginoo, upang ako'y sumampalataya sa kanya?”
37Sinabi sa kanya ni Jesus, “Siya'y nakita mo na, at siya ang nakikipag-usap sa iyo.”
38Sinabi niya, “Panginoon, sumasampalataya ako.” At siya'y sumamba sa kanya.
39Sinabi ni Jesus, “Pumarito ako sa sanlibutang ito para sa paghatol, upang ang mga hindi nakakakita ay makakita, at upang ang mga nakakakita ay maging mga bulag.”
40Ang ilan sa mga Fariseo na kasama niya ay nakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kanya, “Kami ba naman ay mga bulag din?”
41Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mga bulag, hindi kayo magkakaroon ng kasalanan. Subalit ngayong sinasabi ninyo, ‘Kami'y nakakakita,’ nananatili ang inyong kasalanan.”

Цяпер абрана:

JUAN 9: ABTAG01

Пазнака

Падзяліцца

Капіяваць

None

Хочаце, каб вашыя адзнакі былі захаваны на ўсіх вашых прыладах? Зарэгіструйцеся або ўвайдзіце