Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila. Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, “Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”