1
Genesis 32:28
Ang Salita ng Dios
Sinabi ng tao, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel na dahil nakipagbuno ka sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”
موازنہ
تلاش Genesis 32:28
2
Genesis 32:26
At sinabi ng tao, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.” Pero sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”
تلاش Genesis 32:26
3
Genesis 32:24
Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga.
تلاش Genesis 32:24
4
Genesis 32:30
Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel, dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Dios pero buhay pa rin ako.”
تلاش Genesis 32:30
5
Genesis 32:25
Nang mapansin niya na hindi niya matatalo si Jacob, pinisil niya ang balakang ni Jacob at nalinsad ang magkatapat na buto nito.
تلاش Genesis 32:25
6
Genesis 32:27
Nagtanong ang tao sa kanya, “Anong pangalan mo?” Sumagot siya, “Jacob.”
تلاش Genesis 32:27
7
Genesis 32:29
Nagtanong din si Jacob sa kanya, “Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo.” Pero sumagot ang tao, “Huwag mo nang itanong ang pangalan ko.” Pagkatapos, binasbasan niya si Jacob doon.
تلاش Genesis 32:29
8
Genesis 32:10
Hindi po ako karapat-dapat tumanggap ng lahat ng kabutihan at katapatan na ipinakita ninyo sa akin na inyong lingkod. Sapagkat nang tumawid ako noon sa Jordan, wala po akong ibang dala kundi tungkod lang, pero ngayon ay may dalawa na po akong grupo.
تلاش Genesis 32:10
9
Genesis 32:32
Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ang mga Israelita ay hindi kumakain ng litid sa magkatapat na buto sa balakang ng hayop. Sapagkat sa bahaging iyon pinisil ng Dios si Jacob.
تلاش Genesis 32:32
10
Genesis 32:9
Nanalangin si Jacob, “Dios ng aking lolo na si Abraham at Dios ng aking ama na si Isaac, kayo po ang PANGINOON na nagsabi sa akin na bumalik ako sa mga kamag-anak ko, doon po sa lupain kung saan ako isinilang, at pagpapalain ninyo ako.
تلاش Genesis 32:9
11
Genesis 32:11
Hinihiling ko po sa inyo na iligtas nʼyo ako sa kapatid kong si Esau. Natatakot po ako na baka pumunta siya rito at patayin kaming lahat pati na ang mga asawa koʼt mga anak nila.
تلاش Genesis 32:11
صفحہ اول
بائبل
مطالعاتی منصوبہ
Videos