Lumo Project
Sa pagbibigay ng bagong kahulugan sa pamantayan ng biblikal na visual media, ang LUMO ay isang biswal na pagsasalin ng apat na Ebanghelyo na ginawa upang maiugnay ang mga tao sa Banal na Kasulatan sa isang bagong paraan. Sa pagkuha sa bawat isa sa mga Ebanghelyo nang buung-buo, nag-aalok ang LUMO ng apat na tampok na pelikula na may mga nakamamanghang biswal upang ipakita ang isang tunay na larawan ng buhay ni Cristo. Ang mga nakamamangha at makabagong pelikulang ito, na kasalukuyang nakasalin sa dose-dosenang mga wika, ay madaling iangkop para sa isang pandaigdigang manonood. Ang mga pelikulang LUMO ay idinisenyo upang magamit ng mga simbahan, ministeryo at mga indibidwal upang magkaroon ng mga kaiga-igayang programa na nagbibigay-buhay sa mga Ebanghelyo. Ang paggamit ng mga pelikula na hindi pang-komersyo ay ibinibigay nang walang bayad. Makipag-ugnayan sa pangkat ng LUMO upang talakayin ang mga pagkakataon sa ministeryo.