Mga Awit 77:11-14
Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha.
Mga Awit 77:11-14