Mga Awit 40:1-8
Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko. Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh. Mapalad ang taong, kay Yahweh'y tiwala, at sa diyus-diyosa'y hindi dumadapa; hindi sumasama sa nananambahan, sa mga nagkalat na diyus-diyosan. Yahweh aking Diyos, wala kang katulad sa maraming bagay na iyong ginanap; kung pangahasan kong sabihin ang lahat, nangangamba akong may makalimutan. Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, handog na sinusunog at mga kaloob hindi mo naisin, upang sala'y iyong patawarin. Sa halip, ang iyong kaloob sa akin ay pandinig ko upang ika'y dinggin. Kaya ang tugon ko, “Ako'y naririto; nasa Kautusan ang mga turo mo. Ang nais kong sundi'y iyong kalooban; aking itatago sa puso ang aral.”
Mga Awit 40:1-8