Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 3:22-46

Mga Panaghoy 3:22-46 - Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.
Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.
Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya,
kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala.
At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan.

Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay;
siya'y magpakumbabá sa harapan ni Yahweh, at huwag mawalan ng pag-asa.
Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin.

Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon.
Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig.
Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan.

Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban,
maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan.
Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya.

Walang anumang bagay na mangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh.
Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang masama at mabuti.
Bakit tayo magrereklamo kapag tayo'y pinaparusahan kung dahil naman ito sa ating mga kasalanan?

Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh!
Dumulog tayo sa Diyos at tayo'y manalangin:
“Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad.

“Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay.
Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin.
Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan.

“Kinukutya kami ng aming mga kaaway

Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala. At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan. Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay; siya'y magpakumbabá sa harapan ni Yahweh, at huwag mawalan ng pag-asa. Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin. Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon. Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig. Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan. Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban, maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan. Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya. Walang anumang bagay na mangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh. Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang masama at mabuti. Bakit tayo magrereklamo kapag tayo'y pinaparusahan kung dahil naman ito sa ating mga kasalanan? Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh! Dumulog tayo sa Diyos at tayo'y manalangin: “Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad. “Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay. Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin. Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway

Mga Panaghoy 3:22-46