Isaias 7:14-17

Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. Gatas at pulot ang kanyang kakainin kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin. Ikaw at ang iyong bayan, pati na ang sambahayan ng iyong ama ay ipapasakop ni Yahweh sa hari ng Asiria. Pagdaranasin ka nito ng paghihirap na kailanma'y hindi mo pa nararanasan mula nang humiwalay ang Efraim sa Juda.
Isaias 7:14-17