"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
Pagbabasa ng Biblia // Unang Bahagi: Paano ito Nakarating sa Atin
Tinulungan tayo ni Pedro na sagutin ang napakatagal nang katanungan tungkol sa Biblia rito: ‘mga tao ba ang sumulat nito, o ang Diyos ba ang literal na sumulat nito gamit ang panulat at papel?’ Ipinapaliwanag nito na, bagaman at mga tao ang sumulat ng Biblia, ang kanilang kalooban ay walang kinalaman sa paggabay sa likod nito. Sa madaling salita, ang Espiritu ng Diyos ang umakay sa kanilang isulat ang isinulat nila, at dahil dito, maaari nating pagkatiwalaan na hindi sila aakayin ng Diyos sa kamalian. Tutal, kung ang Diyos ay lubos na makapangyarihan, bakit Niya hahayaang tao lamang ang magsusulat ng mga bagay na hindi totoo sa Kanya at pagkatapos ay hayaan silang magtagumpay na mapaniwala ang mundo o na ang mga ito ay salita ng Diyos?
Higit pa rito, mahirap paniwalaang mga simpleng tao ang magsusulat ng 'gawa-gawang kasaysayan' ng Diyos at walang kamali-mali ito sa loob ng ilan libong taon: ang Biblia ang pinakamapagkakatiwalaang sipi na kilala sa buong mundo sa kasalukuyan.
Mga Praktikal na Hakbang: Hingin natin sa Diyos na palakasin ang ating paniniwala na ang Biblia ay ginabayan Niya, at dahil dito, maaari tayong magtiwala na alam Niya at alam pa rin Niya hanggang ngayon ang Kanyang ginagawa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More