Bagong Buhay Kay Cristo | 5-Day Series from Light Brings FreedomHalimbawa
Ano nga ba ang nasa likod ng kamatayan?
Maraming tao ang nagtatanong tungkol dito, at ito rin ang lugar na mag-isang tatahakin ng isang indibidwal. Marami ang natatakot sa kung ano ang naghihintay sa kanila. Natural na lamang na gustuhin nating malaman kung ano ang mangyayari sa kabilang buhay.
Naghahangad tayo ng katiyakan na magiging okay ang lahat.
Ang kamatayan ay hindi dapat ituring na pagpunta sa isang “balon ng kawalan”, dahil ipinapakita sa atin ng Biblia ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.
Ang Diyos lamang ang nakaaalam kung ano talaga ang nasa kabilang buhay. Maaari nating malaman ang sinasabi ng Biblia upang makatiyak tayo na makakapiling natin si Cristo, at doo’y mararanasan ang kagalakan sa presensya Niya magpakailanman.
Katiyakan ng Kaligtasan
Ibinigay ni Jesus ang Kanyang buhay upang tayo’y magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ito ang basehan ng ating kasiguraduhan–hindi sa ating mga mabuting gawa, kundi sa ginawa ni Jesus sa krus para sa atin.
Dumating si Jesus sa ating makasalanang mundo upang tayo’y iligtas, at magkaroon ng kasiguraduhang ito!
Ayon sa Salita ng Diyos, kailangan nating maniwala na si Jesus ay namatay at muling nabuhay. Kung ating hihilinging patawarin tayo sa ating mga kasalanan at Siya’y ating maging Tagapagligtas, tayo’y Kanyang patatawarin at Siya’y papasok sa ating puso.
Tandaan mo: Ang katiyakan ng ating kaligtasan ay hindi nakabase sa ating mga gawa, kundi sa tinapos na gawa ni Jesus sa krus.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Patawarin ang iyong mga kasalanan at pumasok sa iyong puso.
- Alukin ka ng regalo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo sa krus.
- Bigyan ka ng “kapayapaan sa isipan” at katiyakan na ikaw ay pupunta sa langit sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya.
Pag-isipan mo sumandali:
- Takot ka bang mamatay? Papaano ka mamumuhay nang walang takot sa kamatayan?
- Kung ang buhay na walang hanggan ay panahong hindi natatapos, gaano kahalaga na ikaw ay maging handa?
- Ayon sa Salita ng Diyos, kung atin bang tatanggapin si Jesus ay mayroon tayong buhay na walang hanggan?
- Bakit nga ba ibinigay ng Diyos ang kaisa-isang Anak Niya upang mamatay para sa atin?
- Ano ang epekto ng kasiguraduhan ng kaligtasan sa iyong “peace of mind”?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
Tungkol sa Gabay na ito
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)
More
Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/