Pagkabalisa
Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga Awit
Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.
Walang Ikinababalisa
Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.
Pagkalag sa Tanikala
Ang Pagkalag sa Tanikala ay gagabay sa iyo sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan upang tuklasin ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng kalayaan kay Jesu-Cristo. Ang mga tema sa pag-aaral na ito ay mula sa Isaias, isang aklat patungkol sa pagkakabihag ng mga anak ng Diyos, sa katapatan ng Diyos, at sa landas patungo sa kalayaan.
Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan
Ang pagdurusa ay maaaring makagulo ng isipan. Ang bayan ng Diyos—at maging si Cristo mismo—ay madalas na nagtatanong ng "Bakit" kapag may kinakaharap na pagdurusa. Binuksan ng Banal na Kasulatan ang kurtina upang isiwalat ang ilan, bagaman hindi lahat, sa mga layunin ng Diyos kung bakit hinahayaan Niyang pumasok ang pagdurusa sa ating mga buhay. Sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tinawag upang tapat na magtiyaga, sa katiyakang ng tunay na tagumpay at walang hanggang gantimpala.
Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa Pagtanggap
Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napakamurang gulang, at gusto naming tulungan ang mga magulang na maitanim sa kanilang mga puso ang mga biblikal na katotohanan sa kanilang mga puso: pinahihintulutan tayong mabuhay nang may kagalakan at kalayaan ng pag-ibig at pagtanggap ni Cristo. Ang debosyonal na ito ay base sa aklat na pambata, The Quokkas, the Snails, and the Land of Happiness.
Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong Isipan
Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pastor ng Life.Church, tutuklasin natin kung paano labanan ang mga nakalalasong pag-iisip, pagtagumpayan ang di-masupil na mga kaisipan, at magsimulang mapagwagian ang digmaan sa ating isipan gamit ang katotohanan ng Diyos bilang ating plano sa pakikibaka.
Pagtatagumpay Laban sa Pagkabalisa
Ang pagkabalisa ay isang karaniwang tugon sa mga walang-katiyakang bagay na kinakaharap natin sa buhay. Ngunit kung anong ginagawa natin sa ating pagkabalisa—at kung gaano katagal nating hinahayaan itong manatili sa atin— ay siyang susi. Samahan si Dr. Charles Stanley habang binibigyang-liwanag niya ang nakasisirang damdaming ito, at ipinapakita sa iyo kung paano ito mapangingibabawan, at saka tutulungan kang makita ang solusyon ng Diyos para sa pagkabalisa, upang akayin kang tamasahin ang isang matagumpay at puno ng pananampalatayang buhay.
Pakiramdam Ko'y Hindi Ako Sapat Ni Pete Briscoe
Pakiramdam mo ba ay hindi ka karapat-dapat para sa ipinagagawa sa iyo ng Diyos? Ito ba ay isang bagay na higit sa iyong mga talento, kakayahan o hanay ng kasanayan? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, ibinabahagi ni Pete Briscoe kung paanong ang ating mga limitasyon sa lupa ay hindi kailanman humahadlang sa nais ng Diyos na maisakatuparan sa pamamagitan natin. Makakaasa tayo na kung tinawag tayo ng Diyos—ihahanda Niya tayo.