Zefanias 2:3
Zefanias 2:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá, kayong sumusunod sa kanyang kautusan. Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh, baka sakaling kayo'y makaligtas sa parusa sa araw na iyon!
Zefanias 2:3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayo namang mga mapagpakumbaba at sumusunod sa mga utos ng PANGINOON, lumapit kayo sa kanya. Magpatuloy kayong gumawa ng matuwid at magpakumbaba. Baka sakaling ingatan kayo ng PANGINOON sa araw na ibuhos niya ang kanyang galit.
Zefanias 2:3 Ang Biblia (TLAB)
Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon.
Zefanias 2:3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)