Zefanias 2:2-15
Zefanias 2:2-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bago kayo ipadpad na gaya ng ipang tinatangay ng hangin, bago ninyo lasapin ang matinding galit ni Yahweh, bago dumating sa inyo ang araw ng kanyang poot. Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá, kayong sumusunod sa kanyang kautusan. Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh, baka sakaling kayo'y makaligtas sa parusa sa araw na iyon! Walang matitira sa lunsod ng Gaza, at walang matitira sa lunsod ng Ashkelon. Ang mga taga-Asdod ay palalayasin sa katanghaliang-tapat, at itataboy ang mga taga-Ekron. Kahabag-habag kayong naninirahan sa mga baybay-dagat, kahabag-habag kayo, mga Queretita! Ang salita ni Yahweh ay laban sa iyo, O taga-Canaan, lupain ng mga Filisteo; lilipulin kong lahat ang inyong mga mamamayan. At ang baybay-dagat ay magiging pastulan, tahanan ng mga pastol at silungan ng mga kawan. Ang baybay-dagat ay titirhan ng mga hindi namatay sa lahi ni Juda; doon sila magpapastol, at pagsapit ng gabi, sila'y matutulog sa mga bahay sa Ashkelon. Sapagkat makakasama nila si Yahweh na kanilang Diyos at ibabalik ang kanilang mga kayamanan. “Narinig ko ang pangungutya ng Moab, at ang paghamak ng mga Ammonita; iniinsulto nila ang aking bayan at ipinagmamalaking sasakupin ang kanilang lupain.” Kaya nga't sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, “Isinusumpa kong mawawasak ang Moab tulad ng Sodoma, at ang Ammon, tulad ng Gomorra. Ang lupain nila'y mapupuno ng dawag, at hindi na ito mapapakinabangan kailanman. Sasamsaman sila ng mga nakaligtas sa aking bayan, at aangkinin ang kanilang lupain.” Ito ang parusa sa kanilang kapalaluan, at sa paghamak nila sa bayan ni Yahweh. Sisindakin sila ni Yahweh. Pawawalang-kabuluhan niya ang mga diyus-diyosan ng sanlibutan; at siya ang sasambahin ng lahat ng bansa, sa kani-kanilang lupain. Kayong mga taga-Etiopia ay mamamatay rin sa digmaan. Sa kapangyarihan ni Yahweh ay wawasakin ang Asiria; ibabagsak niya ang Nineve, at ito'y matutulad sa isang disyerto. Maninirahan dito ang mga kawan, at ang lahat ng uri ng mga hayop sa parang. Ang mga buwitre ay magpupugad sa mga sirang haligi at huhuni ang mga kuwago sa may tapat ng bintana; gayundin ang mga uwak sa may pintuan, sapagkat malalantad ang mga kahoy na sedar. Ito ang mangyayari sa palalong lunsod na hindi nababahala, at nagsasabing, “Wala nang hihigit pa sa akin!” Anong laking kasawian ang kanyang sinapit; naging tirahan siya ng mababangis na hayop! Kukutyain siya at pandidirihan ng lahat ng magdaraan doon.
Zefanias 2:2-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
bago dumating ang itinakdang araw na kayoʼy palalayasin at ipapadpad na parang mga ipa. Magsisi na kayo bago dumating ang araw ng pagbuhos ng PANGINOON ng kanyang matinding poot. Kayo namang mga mapagpakumbaba at sumusunod sa mga utos ng PANGINOON, hanapin ninyo siya. Ipagpatuloy ninyong itaguyod ang katuwiran at pagpapakumbaba. Baka sakaling ingatan kayo ng PANGINOON sa araw na ibuhos niya ang kanyang galit. Wala nang titira sa Gaza at iiwang wasak ang Ashkelon. Wala nang tao sa Asdod pagdating ng tanghaling tapat, at lalayas na ang mga mamamayan ng Ekron. Nakakaawa kayong mga Kereteo na nakatira sa tabing-dagat. Ito ang sinasabi ng PANGINOON laban sa inyo: “Kayong mga Filisteo sa Canaan, lilipulin ko kayo, at walang matitira sa inyo.” Kaya ang inyong mga lupain sa tabing-dagat ay magiging pastulan at kulungan ng mga tupa. Sasakupin iyon ng natitirang mga taga-Juda. Doon sila magpapastol ng kanilang mga hayop at pagsapit ng gabi ay matutulog sila sa mga bahay sa Ashkelon. Kahahabagan sila ng PANGINOON na kanilang Diyos at pauunlarin silang muli. Sinabi ng PANGINOONG Makapangyarihan, ang Diyos ng Israel, “Narinig ko ang pang-iinsulto at panunuya ng mga taga-Moab at Amonita sa aking mga mamamayan. Ipinagyayabang nilang kaya nilang sakupin ang lupain ng aking mga mamamayan. Kaya isinusumpa ko,” wika ng Makapangyarihang PANGINOON, ang Diyos ng Israel, “na wawasakin ko ang Moab at Amon katulad ng Sodoma at Gomora. At ang lupain ng Israel ay hindi na mapapakinabangan habang panahon. Tutubuan ito ng mga matitinik na damo, at mapupuno ng mga hukay na gawaan ng asin. Lulusubin ito ng natitira kong mga mamamayan at sasamsamin nila ang mga ari-arian nito.” Sinabi ni Zefanias: Iyan ang ganti sa pagyayabang ng mga taga-Moab at Amonita. Sapagkat ipinapahiya nila at nilalait ang mga mamamayan ng PANGINOON ng mga Hukbo. Sisindakin sila ng PANGINOON dahil lilipulin niya ang lahat ng mga diyos-diyosan sa buong mundo. At sasambahin siya ng mga tao sa lahat ng bansa sa kani-kanilang bayan. Sinabi ng PANGINOON, “Kayo ring mga taga-Etiopia, ipapapatay ko kayo sa digmaan.” Parurusahan ko rin ang Asiria na nasa hilaga. Magiging tulad ng ilang ang Nineve, tigang na parang disyerto. Magiging pastulan ito ng mga baka, kambing, at ng ibaʼt ibang uri ng mga hayop sa kawan. Dadapo ang mga kuwago sa mga nasirang haligi, at maririnig ang kanilang huni sa mga bintana. Masisira ang mga pintuan at matatanggal ang mga sedrong kahoy nito. Ganyan ang mangyayari sa lungsod ng Nineve, na nagmamalaki na walang sasalakay sa kanila at walang hihigit sa kanila. Ngunit lubusang mawawasak ang lungsod na iyon at titirhan na lamang ng mga hayop sa gubat. At ang bawat dadaan doon ay kukutyain sila, at masisindak sa sinapit nito.
Zefanias 2:2-15 Ang Biblia (TLAB)
Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon. Sapagka't ang Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot. Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng dagat, bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan. At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan. At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag. Aking narinig ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan. Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, pag-aari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng nalabi sa aking bansa. Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo. Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa. Kayong mga taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak. At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at gigibain ang Asiria, at ang Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang. At mga bakaha'y hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro. Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, Ako nga, at walang iba liban sa akin: ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay.
Zefanias 2:2-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bago kayo ipadpad na gaya ng ipang tinatangay ng hangin, bago ninyo lasapin ang matinding galit ni Yahweh, bago dumating sa inyo ang araw ng kanyang poot. Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá, kayong sumusunod sa kanyang kautusan. Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh, baka sakaling kayo'y makaligtas sa parusa sa araw na iyon! Walang matitira sa lunsod ng Gaza, at walang matitira sa lunsod ng Ashkelon. Ang mga taga-Asdod ay palalayasin sa katanghaliang-tapat, at itataboy ang mga taga-Ekron. Kahabag-habag kayong naninirahan sa mga baybay-dagat, kahabag-habag kayo, mga Queretita! Ang salita ni Yahweh ay laban sa iyo, O taga-Canaan, lupain ng mga Filisteo; lilipulin kong lahat ang inyong mga mamamayan. At ang baybay-dagat ay magiging pastulan, tahanan ng mga pastol at silungan ng mga kawan. Ang baybay-dagat ay titirhan ng mga hindi namatay sa lahi ni Juda; doon sila magpapastol, at pagsapit ng gabi, sila'y matutulog sa mga bahay sa Ashkelon. Sapagkat makakasama nila si Yahweh na kanilang Diyos at ibabalik ang kanilang mga kayamanan. “Narinig ko ang pangungutya ng Moab, at ang paghamak ng mga Ammonita; iniinsulto nila ang aking bayan at ipinagmamalaking sasakupin ang kanilang lupain.” Kaya nga't sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, “Isinusumpa kong mawawasak ang Moab tulad ng Sodoma, at ang Ammon, tulad ng Gomorra. Ang lupain nila'y mapupuno ng dawag, at hindi na ito mapapakinabangan kailanman. Sasamsaman sila ng mga nakaligtas sa aking bayan, at aangkinin ang kanilang lupain.” Ito ang parusa sa kanilang kapalaluan, at sa paghamak nila sa bayan ni Yahweh. Sisindakin sila ni Yahweh. Pawawalang-kabuluhan niya ang mga diyus-diyosan ng sanlibutan; at siya ang sasambahin ng lahat ng bansa, sa kani-kanilang lupain. Kayong mga taga-Etiopia ay mamamatay rin sa digmaan. Sa kapangyarihan ni Yahweh ay wawasakin ang Asiria; ibabagsak niya ang Nineve, at ito'y matutulad sa isang disyerto. Maninirahan dito ang mga kawan, at ang lahat ng uri ng mga hayop sa parang. Ang mga buwitre ay magpupugad sa mga sirang haligi at huhuni ang mga kuwago sa may tapat ng bintana; gayundin ang mga uwak sa may pintuan, sapagkat malalantad ang mga kahoy na sedar. Ito ang mangyayari sa palalong lunsod na hindi nababahala, at nagsasabing, “Wala nang hihigit pa sa akin!” Anong laking kasawian ang kanyang sinapit; naging tirahan siya ng mababangis na hayop! Kukutyain siya at pandidirihan ng lahat ng magdaraan doon.
Zefanias 2:2-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon. Sapagka't ang Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot. Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng dagat, bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan. At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan. At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag. Aking narinig ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan. Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, pagaari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng nalabi sa aking bansa. Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo. Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa. Kayong mga taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak. At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at gigibain ang Asiria, at ang Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang. At mga bakaha'y hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro. Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, Ako nga, at walang iba liban sa akin: ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay.

