Zefanias 1:14-16
Zefanias 1:14-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh, at ito'y mabilis na dumarating. Kapaitan ang dulot ng araw na iyon; maging ang matatapang ay iiyak nang malakas. Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati, araw ng pagkasira at pagkawasak, araw ng kadiliman at kalungkutan, araw ng maitim at makakapal na ulap. Araw ng pagtunog ng trumpeta at ng sigawan ng mga sumasalakay sa mga napapaderang lunsod at nagtataasang tore.
Zefanias 1:14-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Malapit na ang nakakatakot na araw ng pagpaparusa ng PANGINOON. Itoʼy mabilis na dumarating. Mapait ang araw na iyon, dahil kahit na ang matatapang na sundalo ay sisigaw para humingi ng tulong. Sa araw na iyon, ipapakita ng Dios ang kanyang galit. Magiging araw iyon ng pighati at paghihirap, araw ng pagkasira at lubusang pagkawasak. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon, at maririnig ang tunog ng trumpeta at sigawan ng mga sundalong sumasalakay sa mga napapaderang lungsod at sa matataas na tore nito.
Zefanias 1:14-16 Ang Biblia (TLAB)
Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim. Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman, Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.
Zefanias 1:14-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh, at ito'y mabilis na dumarating. Kapaitan ang dulot ng araw na iyon; maging ang matatapang ay iiyak nang malakas. Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati, araw ng pagkasira at pagkawasak, araw ng kadiliman at kalungkutan, araw ng maitim at makakapal na ulap. Araw ng pagtunog ng trumpeta at ng sigawan ng mga sumasalakay sa mga napapaderang lunsod at nagtataasang tore.
Zefanias 1:14-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)