Ang Awit ni Solomon 8:6-7
Ang Awit ni Solomon 8:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy. Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.
Ang Awit ni Solomon 8:6-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iukit mo ang pangalan ko sa puso mo para patunayan na ako lamang ang mahal mo. At ako lamang ang yayakapin ng mga bisig mo. Makapangyarihan ang pag-ibig gaya ng kamatayan; maging ang pagnanasa ay hindi mapipigilan. Ang pag-ibig ay parang lumiliyab at lumalagablab na apoy. Kahit laksa-laksang tubig, hindi ito mapipigilan. Sinumang magtangkang bilhin ito kahit ng lahat niyang yaman ay baka malagay lamang sa kahihiyan.
Ang Awit ni Solomon 8:6-7 Ang Biblia (TLAB)
Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.
Ang Awit ni Solomon 8:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy. Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.
Ang Awit ni Solomon 8:6-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, Pinakatatak sa iyong bisig: Sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, Panibugho ay mabagsik na parang Sheol: Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, Isang pinaka liyab ng Panginoon. Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, Ni mapauurong man ng mga baha; Kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, Siya'y lubos na kukutyain.