Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Awit ni Solomon 5:2-16

Ang Awit ni Solomon 5:2-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Kahit na nga sa pangarap kung ako ay natutulog, naririnig ang mahal ko, sa pintua'y kumakatok. “Ako'y iyong papasukin, aking mahal, aking sinta, na tulad ng kalapati, ubod linis at maganda, basang-basa ang ulo ko nitong hamog sa umaga.” Muli pa bang magbibihis, gayong ako'y naghubad na? Akin bang dudumhan muli, nahugasan nang mga paa? Nang hawakan ng mahal ko ang susian nitong pinto, damdamin ko ay sumigla, lumundag ang aking puso. Ako ay bumangon upang siya ay pagbuksan, binasa ko ng mira itong aking mga kamay, at ako ay lumapit sa pinto ng aming bahay. Ngunit nang siya'y pagbuksan ko, hindi ko na inabutan. Hinanap ko nang hinanap ngunit hindi natagpuan. Sa laki ng pananabik na tinig niya'y mapakinggan, tinawag ko nang tinawag ngunit walang kasagutan. Ang mahal ko ay hinanap, di tumigil, di naglubay, hanggang ako ay mahuli, mga tanod nitong bayan. Hinagupit nila ako, walang awang sinugatan, balabal ko ay hinatak, pinunit pa at ginutay. Mga dilag ng Jerusalem, ipangako ninyo sa akin kung mahal ko ay makita sa kanya sana'y sabihin, “Iyong sinta'y nanghihina, pag-ibig mo'y hanap niya.” O babaing napakaganda, bakit di mo ilarawan hinahanap mong lalaki na sabi mo'y iyong mahal? Sa amin ay sabihin mo kaiba niyang katangian, na dahilan ng bilin mo't mahigpit na panambitan. Ang irog ko ay makisig, matipuno ang katawan, sa sanlibo ay siya lang ang may gayong katangian. Alun-alon ang buhok niya, mahaba at nangingintab mahal pa iyon kaysa ginto, kulay uwak ang katulad. Mata niya'y mapupungay parang ibon sa may batis, kalapati ang katulad at gatas pa ang panlinis. Ang kanyang mga pisngi'y simbango ng isang hardin, mga labi'y parang liryo, nakasasabik na simsimin. Kamay niya ay maganda, O kay inam na pagmasdan, suot niyang mga singsing, bato nito'y ubod mahal. Wari'y garing ang katulad ng buo niyang katawan, naliligid ng pahiyas na safirong makikinang. Mga hita niya at binti'y marmol ang kabagay, ang mga patungan ay gintong dalisay, parang Bundok ng Lebanon, na makapigil hininga, kung baga sa mga kahoy, mga sedar ang kagaya. Mga labi ay maalab, matamis kung humalik buo niyang katauhan, sadyang kaakit-akit. Iyan ang ayos at larawan nitong aking iniibig.

Ang Awit ni Solomon 5:2-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

Habang akoʼy natutulog, nanaginip ako. Narinig kong kumakatok ang mahal ko. Ang sabi niya, “Papasukin mo ako, irog ko. Basang-basa na ng hamog ang ulo ko.” Pero sinabi ko, “Hinubad ko na ang aking damit, isusuot ko pa ba itong muli? Hinugasan ko na ang aking mga paa, dudumihan ko pa ba itong muli?” Nang hawakan ng aking mahal ang susian ng pinto, biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Bumangon ako upang siyaʼy papasukin. At nang hawakan ko ang susian ng pinto tumulo ang mira sa kamay ko. Binuksan ko ang pinto para sa aking mahal, pero wala na siya. Hinanap ko siya, pero hindi ko siya makita. Tinawag ko siya, pero walang sumagot. Nakita ako ng mga guwardya na naglilibot sa lungsod. Pinalo nila ako, at akoʼy nasugatan. Kinuha pa nila ang aking damit. Kayong mga babae ng Jerusalem, mangako kayo sa akin! Kapag nakita ninyo ang aking mahal, sabihin ninyo sa kanyang nanghihina ako dahil sa pag-ibig. O babaeng pinakamaganda, ano bang mayroon sa iyong minamahal na wala sa iba, at kami ay iyong pinasusumpa pa? Siya baʼy talagang nakakahigit sa iba? Ang aking mahal ay makisig at mamula-mula ang kutis. Nag-iisa lamang siya sa sampung libong lalaki. Mas mahal pa sa ginto ang kanyang ulo. Buhok niyaʼy medyo kulot at kasing-itim ng uwak. Mga mata niyaʼy napakagandang pagmasdan, tulad ng mamahaling hiyas at tulad ng mata ng mga kalapati, na kasingputi ng gatas, sa tabi ng batis. Mga pisngi niyaʼy kasimbango ng harding puno ng halamang ginagawang pabango. At ang mga labi niyaʼy parang mga liryo na dinadaluyan ng mira. Mga bisig niyaʼy tila mahahabang bareta ng ginto na napapalamutian ng mamahaling bato. Katawaʼy tila pangil ng elepante, makinang at napapalamutian ng mga batong safiro. Mga paa niyaʼy tulad ng mga haliging marmol na nakatayo sa pundasyong ginto. Napakaganda niyang pagmasdan, tulad ng mga puno ng sedro sa Lebanon. Kay tamis halikan ang kanyang bibig. Tunay ngang siyaʼy kaakit-akit. O mga babae ng Jerusalem, siya ang aking mahal, ang aking iniibig.

Ang Awit ni Solomon 5:2-16 Ang Biblia (TLAB)

Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising: ang tinig ng aking sinta ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi, pagbuksan mo ako, kapatid ko, sinta ko, kalapati ko, sakdal ko: sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog, ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi. Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot? Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan? Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan, at nakilos ang aking puso sa kaniya. Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta; at ang aking mga kamay ay tutulo ng mira, at ang aking mga daliri ng malabnaw na mira. Sa mga tatangnan ng trangka. Aking pinagbuksan ang aking sinta: nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis, napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa nang siya'y magsalita: aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya; aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin. Nasumpungan ako ng mga bantay na nagsisilibot sa bayan, sinaktan nila ako, sinugatan nila ako, inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, kung inyong masumpungan ang aking sinta, na inyong saysayin sa kaniya, na ako'y may sakit, na pagsinta. Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan? Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula na pinakamainam sa sangpung libo. Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto: ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak. Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig; na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay. Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga especia, gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay: ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga lila na tumutulo ng malabnaw na mira. Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo: ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro. Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto: ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro. Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

Ang Awit ni Solomon 5:2-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Kahit na nga sa pangarap kung ako ay natutulog, naririnig ang mahal ko, sa pintua'y kumakatok. “Ako'y iyong papasukin, aking mahal, aking sinta, na tulad ng kalapati, ubod linis at maganda, basang-basa ang ulo ko nitong hamog sa umaga.” Muli pa bang magbibihis, gayong ako'y naghubad na? Akin bang dudumhan muli, nahugasan nang mga paa? Nang hawakan ng mahal ko ang susian nitong pinto, damdamin ko ay sumigla, lumundag ang aking puso. Ako ay bumangon upang siya ay pagbuksan, binasa ko ng mira itong aking mga kamay, at ako ay lumapit sa pinto ng aming bahay. Ngunit nang siya'y pagbuksan ko, hindi ko na inabutan. Hinanap ko nang hinanap ngunit hindi natagpuan. Sa laki ng pananabik na tinig niya'y mapakinggan, tinawag ko nang tinawag ngunit walang kasagutan. Ang mahal ko ay hinanap, di tumigil, di naglubay, hanggang ako ay mahuli, mga tanod nitong bayan. Hinagupit nila ako, walang awang sinugatan, balabal ko ay hinatak, pinunit pa at ginutay. Mga dilag ng Jerusalem, ipangako ninyo sa akin kung mahal ko ay makita sa kanya sana'y sabihin, “Iyong sinta'y nanghihina, pag-ibig mo'y hanap niya.” O babaing napakaganda, bakit di mo ilarawan hinahanap mong lalaki na sabi mo'y iyong mahal? Sa amin ay sabihin mo kaiba niyang katangian, na dahilan ng bilin mo't mahigpit na panambitan. Ang irog ko ay makisig, matipuno ang katawan, sa sanlibo ay siya lang ang may gayong katangian. Alun-alon ang buhok niya, mahaba at nangingintab mahal pa iyon kaysa ginto, kulay uwak ang katulad. Mata niya'y mapupungay parang ibon sa may batis, kalapati ang katulad at gatas pa ang panlinis. Ang kanyang mga pisngi'y simbango ng isang hardin, mga labi'y parang liryo, nakasasabik na simsimin. Kamay niya ay maganda, O kay inam na pagmasdan, suot niyang mga singsing, bato nito'y ubod mahal. Wari'y garing ang katulad ng buo niyang katawan, naliligid ng pahiyas na safirong makikinang. Mga hita niya at binti'y marmol ang kabagay, ang mga patungan ay gintong dalisay, parang Bundok ng Lebanon, na makapigil hininga, kung baga sa mga kahoy, mga sedar ang kagaya. Mga labi ay maalab, matamis kung humalik buo niyang katauhan, sadyang kaakit-akit. Iyan ang ayos at larawan nitong aking iniibig.

Ang Awit ni Solomon 5:2-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising: Ang tinig ng aking sinta ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi, Pagbuksan mo ako, kapatid ko, sinta ko, kalapati ko, sakdal ko: Sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog, Ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi. Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot? Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan? Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan, At nakilos ang aking puso sa kaniya. Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta; At ang aking mga kamay ay tutulo ng mira, At ang aking mga daliri ng malabnaw na mira. Sa mga tatangnan ng trangka. Aking pinagbuksan ang aking sinta: Nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis, Napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa nang siya'y magsalita: Aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya; Aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin. Nasumpungan ako ng mga bantay na nagsisilibot sa bayan, Sinaktan nila ako, sinugatan nila ako, Inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, Kung inyong masumpungan ang aking sinta, Na inyong saysayin sa kaniya, na ako'y may sakit, na pagsinta. Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan? Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula Na pinakamainam sa sangpung libo. Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto: Ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak. Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig; Na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay. Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga especia, Gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay: Ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga lila na tumutulo ng malabnaw na mira. Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo: Ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro. Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto: Ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro. Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya