Ang Awit ni Solomon 4:10
Ang Awit ni Solomon 4:10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng iyong pag-ibig, alak man na ubod-tamis, sa iyo'y di maipaparis, halimuyak ng bango mo ay walang makakatalo.
Ang Awit ni Solomon 4:10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasingtamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango.
Ang Awit ni Solomon 4:10 Ang Biblia (TLAB)
Pagkaganda ng iyong pagsinta, kapatid ko, kasintahan ko! Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak! At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sari-saring pabango!