Ang Awit ni Solomon 1:1-3
Ang Awit ni Solomon 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: Sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; Ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; Kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.
Ang Awit ni Solomon 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang pinakamagandang awit ni Solomon: Akong ito'y pinupupog, sinisiil mo ng halik; ang dulot ng pag-ibig mo'y mainam pa sa alak. Ang taglay mong halimuyak, saan kaya itutulad? Simbango ng pangalan mong ang samyo'y malaganap, kaya lahat ng dalaga ay iyo ngang nabibihag.
Ang Awit ni Solomon 1:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pinakamagandang awit ni Solomon. Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Pagkat mas matamis pa kaysa katas ng ubas ang iyong pag-ibig. Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.
Ang Awit ni Solomon 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.
Ang Awit ni Solomon 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)