Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Awit ni Solomon 1:1-11

Ang Awit ni Solomon 1:1-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ito ang pinakamagandang awit ni Solomon: Akong ito'y pinupupog, sinisiil mo ng halik; ang dulot ng pag-ibig mo'y mainam pa sa alak. Ang taglay mong halimuyak, saan kaya itutulad? Simbango ng pangalan mong ang samyo'y malaganap, kaya lahat ng dalaga ay iyo ngang nabibihag. Ako ngayon ay narito, isama mo kahit saan, at ako ay iyong dalhin sa silid mong pahingahan. Tiyak akong liligaya ngayong ikaw ay narito, ang nais ko ay madama ang alab ng pag-ibig mo; pagsinta mo'y mas gusto ko kaysa alinmang inumin; hindi ako nagkamali na ikaw nga ang ibigin. Dalaga sa Jerusalem, ang ganda ko'y kayumanggi; katulad ko'y mga toldang sa Kedar pa niyayari, tulad ko ri'y mga tabing sa palasyo ng hari. Huwag akong hahamakin nang dahil sa aking kulay, pagkat itong aking balat ay nasunog lang sa araw. Itong mga kapatid ko'y hindi ako kinalugdan, nagkaisa silang ako'y pagbantayin ng ubasan. Pinagyama't sininop ko ang nasabing pataniman, anupa't ang sarili ay kusa kong napabayaan. Itong aking pakiusap, O giliw kong minamahal, sa akin ay sabihin mo, pastulan ng iyong kawan; sa init ng katanghalian, pahingahan nila'y saan? Sa akin ay ituro mo nang ako ay di maligaw. Kung nais mong malaman, O babaing napakaganda, ang dapat lang na gawin mo ay sundan ang mga tupa. Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaan sa tabi ng mga tolda ng pastol ng aking kawan. Saan ko ba itutulad ang gayuma mo, aking hirang? Sa kabayo ng Faraon, anong ganda kung pagmasdan! Mga pisnging malalambot, may balani, may pang-akit, na lalo pang pinaganda ng pahiyas na naglawit. Ang nililok na leeg mo, kung masdan ko'y anong rikit, lalo na nga kung may kuwintas na doon ay nakasabit. Ika'y aming igagawa ng kuwintas na gintong lantay, palamuting ikakabit ay pilak na dinalisay.

Ang Awit ni Solomon 1:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

Ang pinakamagandang awit ni Solomon. Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Pagkat mas matamis pa kaysa katas ng ubas ang iyong pag-ibig. Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo. Sige na, O aking hari, dalhin mo ako sa iyong silid. Sa piling mo, kami ay maligaya. Mas gusto pa namin ang pag-ibig mo kaysa anumang inumin. Tama lang na umibig sila sa iyo! O mga babaeng taga-Jerusalem, maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar, pero maganda naman tulad ng kurtina sa palasyo ni Solomon. Huwag ninyo akong hamakin dahil sa kulay ng aking balat. Maitim nga pagkat nabibilad sa init ng araw. Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki, at doon sa ubasan akoʼy pinagtrabaho nila. Dahil ditoʼy napabayaan ko ang sarili ko. Mahal, sabihin mo sa akin kung saan ka nagpapastol ng iyong mga tupa. Saan mo sila pinagpapahinga tuwing tanghali? Sabihin mo sa akin para hindi na ako maghanap pa sa iyo doon sa iyong mga kaibigan na nagpapastol din ng tupa. Dahil baka akoʼy mapagkamalan na isang babaeng bayaran. Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga kambing moʼy doon mo na rin ipastol. O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo na nagustuhan ng lalaking kabayo na humihila ng karwahe ng hari ng Egipto. Napakaganda ng iyong mga pisngi, na lalong pinaganda ng mga hiyas. O anong ganda rin ng leeg mong sinuotan ng kwintas. Ikaʼy igagawa namin ng alahas na yari sa mga ginto at pilak.

Ang Awit ni Solomon 1:1-11 Ang Biblia (TLAB)

Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga. Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo. Ako'y maitim, nguni't kahalihalina, Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem, gaya ng mga tolda sa Cedar, gaya ng mga tabing ni Salomon. Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan. Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama? Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor. Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon. Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas. Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak.

Ang Awit ni Solomon 1:1-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ito ang pinakamagandang awit ni Solomon: Akong ito'y pinupupog, sinisiil mo ng halik; ang dulot ng pag-ibig mo'y mainam pa sa alak. Ang taglay mong halimuyak, saan kaya itutulad? Simbango ng pangalan mong ang samyo'y malaganap, kaya lahat ng dalaga ay iyo ngang nabibihag. Ako ngayon ay narito, isama mo kahit saan, at ako ay iyong dalhin sa silid mong pahingahan. Tiyak akong liligaya ngayong ikaw ay narito, ang nais ko ay madama ang alab ng pag-ibig mo; pagsinta mo'y mas gusto ko kaysa alinmang inumin; hindi ako nagkamali na ikaw nga ang ibigin. Dalaga sa Jerusalem, ang ganda ko'y kayumanggi; katulad ko'y mga toldang sa Kedar pa niyayari, tulad ko ri'y mga tabing sa palasyo ng hari. Huwag akong hahamakin nang dahil sa aking kulay, pagkat itong aking balat ay nasunog lang sa araw. Itong mga kapatid ko'y hindi ako kinalugdan, nagkaisa silang ako'y pagbantayin ng ubasan. Pinagyama't sininop ko ang nasabing pataniman, anupa't ang sarili ay kusa kong napabayaan. Itong aking pakiusap, O giliw kong minamahal, sa akin ay sabihin mo, pastulan ng iyong kawan; sa init ng katanghalian, pahingahan nila'y saan? Sa akin ay ituro mo nang ako ay di maligaw. Kung nais mong malaman, O babaing napakaganda, ang dapat lang na gawin mo ay sundan ang mga tupa. Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaan sa tabi ng mga tolda ng pastol ng aking kawan. Saan ko ba itutulad ang gayuma mo, aking hirang? Sa kabayo ng Faraon, anong ganda kung pagmasdan! Mga pisnging malalambot, may balani, may pang-akit, na lalo pang pinaganda ng pahiyas na naglawit. Ang nililok na leeg mo, kung masdan ko'y anong rikit, lalo na nga kung may kuwintas na doon ay nakasabit. Ika'y aming igagawa ng kuwintas na gintong lantay, palamuting ikakabit ay pilak na dinalisay.

Ang Awit ni Solomon 1:1-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: Sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; Ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; Kaya't sinisinta ka ng mga dalaga. Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: Kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: Matuwid ang pagsinta nila sa iyo. Ako'y maitim, nguni't kahalihalina, Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem, Gaya ng mga tolda sa Cedar, Gaya ng mga tabing ni Salomon. Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, Sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, Kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; Nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan. Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, Kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: Sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan Sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama? Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, Yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, At pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor. Aking itinulad ka, Oh aking sinta, Sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon. Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, Ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas. Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto Na may mga kabit na pilak.