Mga Taga-Roma 8:1-4
Mga Taga-Roma 8:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.
Mga Taga-Roma 8:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus. Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagbibigay-buhay. Ang Kautusan ay hindi makapag-aalis ng kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay dahil sa kahinaan ng ating makasalanang pagkatao. Ang Dios ang nag-alis nito nang isinugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang handog para sa ating mga kasalanan. At sa kanyang pagiging tao, tinapos na ng Dios ang kapangyarihan ng kasalanan. Ginawa ito ng Dios para ang ipinatutupad ng Kautusan ay matupad nating mga namumuhay sa patnubay ng Banal na Espiritu at hindi ayon sa ating makasalanang pagkatao.
Mga Taga-Roma 8:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
Mga Taga-Roma 8:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.
Mga Taga-Roma 8:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.