Mga Taga-Roma 6:6-7
Mga Taga-Roma 6:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Mga Taga-Roma 6:6-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Cristo para mamatay, kaya hindi na tayo dapat alipinin pa ng kasalanan. Sapagkat ang taong patay na ay malaya na sa kasalanan.
Mga Taga-Roma 6:6-7 Ang Biblia (TLAB)
Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.
Mga Taga-Roma 6:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Mga Taga-Roma 6:6-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)