Mga Taga-Roma 5:1-4
Mga Taga-Roma 5:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian. Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.
Mga Taga-Roma 5:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Dahil sa pananampalataya natin sa kanya, tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asang makakabahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos. At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, nagbubunga ito ng pag-asa.
Mga Taga-Roma 5:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo; Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios. At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa
Mga Taga-Roma 5:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian. Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.
Mga Taga-Roma 5:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)