Mga Taga-Roma 15:30-33
Mga Taga-Roma 15:30-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, alang-alang sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pag-ibig ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na pananalangin para sa akin. Idalangin ninyong maligtas ako mula sa mga taga-Judea na ayaw sumampalataya, at nawa'y tanggapin ng mga kapatid sa Jerusalem ang paglilingkod ko para sa kanila. Sa gayon, kung loloobin ng Diyos, masaya akong makakarating diyan at makakapagpahinga sa inyong piling. Sumainyo nawa ang Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan. Amen.
Mga Taga-Roma 15:30-33 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, alang-alang sa Panginoong Jesu-Cristo at sa pag-ibig na bigay ng Banal na Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na panalangin sa Dios para sa akin. Ipanalangin ninyo na maligtas ako sa mga di-mananampalataya sa Judea, at malugod na tanggapin ng mga pinabanal ng Dios sa Jerusalem ang dala kong tulong para sa kanila. Sa ganoon, masaya akong darating diyan sa inyo kung loloobin ng Dios, at makakapagpahinga sa piling ninyo. Patnubayan nawa kayo ng Dios na nagbibigay ng kapayapaan. Amen.
Mga Taga-Roma 15:30-33 Ang Biblia (TLAB)
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin; Upang ako'y maligtas sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging kalugodlugod sa mga banal; Upang sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo. Ngayon ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Mga Taga-Roma 15:30-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, alang-alang sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pag-ibig ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na pananalangin para sa akin. Idalangin ninyong maligtas ako mula sa mga taga-Judea na ayaw sumampalataya, at nawa'y tanggapin ng mga kapatid sa Jerusalem ang paglilingkod ko para sa kanila. Sa gayon, kung loloobin ng Diyos, masaya akong makakarating diyan at makakapagpahinga sa inyong piling. Sumainyo nawa ang Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan. Amen.
Mga Taga-Roma 15:30-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)