Mga Taga-Roma 15:1-2
Mga Taga-Roma 15:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tayong malalakas sa pananampalataya, tulungan natin ang mga mahihina sa pananampalataya. Huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating iisipin. Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa ikalalakas ng kanyang pananampalataya.
Mga Taga-Roma 15:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina sa pananampalataya. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin, kundi ang kapakanan din ng iba, para mapalakas ang kanilang pananampalataya.
Mga Taga-Roma 15:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili. Bawa't isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay.
Mga Taga-Roma 15:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)