Pahayag 5:8-10
Pahayag 5:8-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal. Inaawit nila ang isang bagong awit: “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatan at sumira sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa. Ginawa mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos; at sila'y maghahari sa lupa.”
Pahayag 5:8-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang kunin niya iyon, lumuhod sa harap ng Tupa ang apat na buhay na nilalang at ang 24 na namumuno at sumamba sa kanya. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na gintong sisidlan na puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga pinabanal. May alpa rin silang tinutugtog, at umaawit sila ng bagong awit na ito: “Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito, dahil kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Dios. Ang mga taong ito ay mula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa. Ginawa nʼyo silang mga hari at mga pari upang maglingkod sa ating Dios. At maghahari sila sa mundo.”
Pahayag 5:8-10 Ang Biblia (TLAB)
At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa. At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
Pahayag 5:8-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal. Inaawit nila ang isang bagong awit: “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatan at sumira sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa. Ginawa mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos; at sila'y maghahari sa lupa.”
Pahayag 5:8-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)