Pahayag 3:7-8
Pahayag 3:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang buksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya. Nalalaman ko ang mga ginagawa mo. Alam kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman.
Pahayag 3:7-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Filadelfia: “Ito ang mensahe ng banal at mapagkakatiwalaan na may hawak ng susi ng kaharian ni David. Kapag binuksan niya ang pinto ng kaharian, walang makapagsasara nito. At kapag isinara niya, wala sinumang makapagbubukas nito: Alam ko ang mga ginagawa ninyo. Kahit kakaunti ang inyong kakayahan, sinunod ninyo ang mga turo ko at naging tapat kayo sa akin. Kaya nagbukas ako ng pintuan para sa inyo na walang sinumang makapagsasara.
Pahayag 3:7-8 Ang Biblia (TLAB)
At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman: Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
Pahayag 3:7-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang buksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya. Nalalaman ko ang mga ginagawa mo. Alam kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman.
Pahayag 3:7-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)