Pahayag 22:16-17
Pahayag 22:16-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako'y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.” Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!” Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.
Pahayag 22:16-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang sabihin sa iyo ang mga bagay na ito para sa mga iglesya. Galing ako sa angkan ni David at ako rin ang maningning na bituin sa umaga.” Nag-iimbita ang Banal na Espiritu at ang babaeng ikakasal, “Halikayo!” Ang lahat ng nakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw at gustong uminom ng tubig na nagbibigay-buhay. Wala itong bayad.
Pahayag 22:16-17 Ang Biblia (TLAB)
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga. At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.
Pahayag 22:16-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako'y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.” Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!” Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.
Pahayag 22:16-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)