Pahayag 2:12-13
Pahayag 2:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo: “Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. Nalalaman ko kung saan ka nakatira, sa lugar na pinaghaharian ni Satanas, ngunit nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa bayang tinitirhan ni Satanas.
Pahayag 2:12-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Pergamum: “Ito ang mensahe ng may hawak ng matalas na espada na dalawa ang talim: Alam ko na kahit nakatira kayo sa lugar na hawak ni Satanas ay nananatili pa rin kayong tapat sa akin. Sapagkat hindi kayo tumalikod sa pananampalataya ninyo sa akin, kahit noong patayin si Antipas na tapat kong saksi riyan sa lugar ninyo na tirahan ni Satanas.
Pahayag 2:12-13 Ang Biblia (TLAB)
At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim: Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.
Pahayag 2:12-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo: “Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. Nalalaman ko kung saan ka nakatira, sa lugar na pinaghaharian ni Satanas, ngunit nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa bayang tinitirhan ni Satanas.
Pahayag 2:12-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)