Pahayag 17:6-18
Pahayag 17:6-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At nakita kong ang babaing ito'y lasing sa dugo ng mga hinirang at ng mga martir, ang mga pinatay dahil kay Jesus. Nanggilalas ako nang makita ko siya. “Bakit ka nanggilalas?” tanong sa akin ng anghel. “Sasabihin ko sa iyo ang kahulugan ng babae at ng sinasakyan niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. Ang halimaw na nakita mo ay buháy noong una ngunit patay na ngayon; muli itong lilitaw buhat sa banging napakalalim at tuluyang mapapahamak. Ang mga taong nabubuhay sa lupa, na ang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula pa nang likhain ang sanlibutan, ay magugulat kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat pinatay na siya ngunit muling lilitaw. “Kailangan dito ang pang-unawa at karunungan: ang pitong ulo ay ang pitong bundok na inuupuan ng babae. Inilalarawan din nito ang pitong hari: bumagsak na ang lima sa kanila, naghahari pa ang isa, at ang huli ay hindi pa dumarating. Pagdating niya, sandali lamang siyang maghahari. At ang halimaw na buháy noong una ngunit ngayo'y wala na ay isa sa pitong hari at siyang magiging ikawalo. Siya ay mapapahamak. “Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit mamamahala silang kasama ng halimaw sa loob ng isang oras. Iisa ang layunin ng sampung ito, at ipapailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan. Makikidigma sila laban sa Kordero ngunit sila'y matatalo nito, sapagkat ito ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama niya sa tagumpay ang kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod.” Sinabi rin sa akin ng anghel, “Ang nakita mong mga ilog na kinauupuan ng babae ay mga lahi, mga bansa, at mga wika. Ang sampung sungay na nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila ang lahat ng ari-arian nito at iiwanan siyang hubad. Kakainin nila ang kanyang laman at susunugin ang matitira. Niloob ng Diyos na sila'y magkaisa at ipailalim nila sa halimaw ang kanilang karapatan at kapangyarihan, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos. Ang babaing nakita mo ay ang tanyag na lunsod na sinusunod ng mga hari sa lupa.”

Pahayag 17:6-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
At nakita kong lasing ang babaeng iyon sa dugo ng mga pinabanal ng Dios na ipinapatay niya dahil sa pagsunod nila kay Jesus. Namangha ako nang makita ko siya. Pero sinabi sa akin ng anghel, “Huwag kang mamangha. Sasabihin ko sa iyo ang lihim na kahulugan ng babae at ng halimaw na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sampung sungay. Ang halimaw na nakita mo ay buhay noon, pero patay na ngayon. Pero muli siyang lalabas mula sa kailaliman, at agad namang mapupunta sa walang hanggang kapahamakan. Makikita siya ng mga taong hindi nakasulat ang mga pangalan sa aklat na listahan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan. Bago pa man likhain ang mundo, ang pangalan nila ay hindi na nakasulat sa aklat na ito. At kapag nakita nila ang halimaw, mamamangha sila dahil buhay siya noon, at namatay na, ngunit nabuhay na naman. “Kailangan dito ang talino upang maintindihan ang kahulugan ng mga ito. Ang pitong ulo ay ang pitong bundok na inuupuan ng babae. Nangangahulugan din ito ng pitong hari. Lima sa pitong iyon ay patay na, ang isa ay naghahari pa ngayon, at ang isa ay hindi pa dumarating. Kapag dumating na siya, sandali lang ang paghahari niya. Ang halimaw na buhay noon, pero patay na ngayon, ang siyang ikawalong hari. Kabilang din siya sa naunang pitong hari, at hahantong din siya sa kapahamakan. “Ang sampung sungay na nakita mo ay ang sampung hari na hindi pa naghahari. Bibigyan sila ng kapangyarihang maghari kasama ang halimaw sa loob lang ng maikling panahon. Iisa ang layunin ng sampung haring iyon. At ipapailalim nila ang kapangyarihan at pamamahala nila sa halimaw. Lalabanan nila ang Tupa ngunit matatalo sila, dahil siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama ng Tupa ang mga tapat na tagasunod niya na kanyang tinawag at pinili.” Sinabi rin sa akin ng anghel, “Ang tubig na nakita mo na inuupuan ng babaeng bayaran ay ang mga tao sa ibaʼt ibang lahi, bansa at wika. Ang sampung sungay at ang halimaw na nakita mo ay mapopoot sa babaeng bayaran. Kukunin nila ang mga ari-arian niya pati na ang suot niyang damit at walang maiiwan sa kanya. Kakainin nila ang kanyang laman at susunugin ang matitira. Niloob ng Dios na maisakatuparan ng sampung hari ang kanyang layunin. Kaya mapagkakasunduan nila na ipailalim sa halimaw ang kapangyarihan at pamamahala nila hanggang sa matupad ang sinabi ng Dios. “Ang babaeng nakita mo ay ang sikat na lungsod na naghahari sa mga hari sa mundo.”
Pahayag 17:6-18 Ang Biblia (TLAB)
At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas. At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay. At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae: At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon. At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan. At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop. Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop. Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din. At sinabi niya sa akin, Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika. At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy. Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios. At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.
Pahayag 17:6-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At nakita kong ang babaing ito'y lasing sa dugo ng mga hinirang at ng mga martir, ang mga pinatay dahil kay Jesus. Nanggilalas ako nang makita ko siya. “Bakit ka nanggilalas?” tanong sa akin ng anghel. “Sasabihin ko sa iyo ang kahulugan ng babae at ng sinasakyan niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. Ang halimaw na nakita mo ay buháy noong una ngunit patay na ngayon; muli itong lilitaw buhat sa banging napakalalim at tuluyang mapapahamak. Ang mga taong nabubuhay sa lupa, na ang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula pa nang likhain ang sanlibutan, ay magugulat kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat pinatay na siya ngunit muling lilitaw. “Kailangan dito ang pang-unawa at karunungan: ang pitong ulo ay ang pitong bundok na inuupuan ng babae. Inilalarawan din nito ang pitong hari: bumagsak na ang lima sa kanila, naghahari pa ang isa, at ang huli ay hindi pa dumarating. Pagdating niya, sandali lamang siyang maghahari. At ang halimaw na buháy noong una ngunit ngayo'y wala na ay isa sa pitong hari at siyang magiging ikawalo. Siya ay mapapahamak. “Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit mamamahala silang kasama ng halimaw sa loob ng isang oras. Iisa ang layunin ng sampung ito, at ipapailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan. Makikidigma sila laban sa Kordero ngunit sila'y matatalo nito, sapagkat ito ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama niya sa tagumpay ang kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod.” Sinabi rin sa akin ng anghel, “Ang nakita mong mga ilog na kinauupuan ng babae ay mga lahi, mga bansa, at mga wika. Ang sampung sungay na nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila ang lahat ng ari-arian nito at iiwanan siyang hubad. Kakainin nila ang kanyang laman at susunugin ang matitira. Niloob ng Diyos na sila'y magkaisa at ipailalim nila sa halimaw ang kanilang karapatan at kapangyarihan, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos. Ang babaing nakita mo ay ang tanyag na lunsod na sinusunod ng mga hari sa lupa.”
Pahayag 17:6-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)