Pahayag 16:18-21
Pahayag 16:18-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kumidlat, kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. Nahati sa tatlong bahagi ang malaking lunsod, at nawasak ang lahat ng lunsod sa buong daigdig. Hindi nga nakaligtas sa parusa ng Diyos ang tanyag na Babilonia. Pinainom siya ng Diyos ng alak mula sa kopa ng kanyang matinding poot. Nawala ang lahat ng pulo at gumuho ang lahat ng bundok. Umulan ng malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng halos limampung kilo bawat isa, at nabagsakan ang mga tao. At nilapastangan ng mga tao ang Diyos dahil sa nakakapangilabot na salot na dinaranas nila.
Pahayag 16:18-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, kumidlat, kumulog, umugong at lumindol nang napakalakas. Walang ganoong kalakas na lindol sa buong kasaysayan ng tao. Iyon ang pinakamalakas sa lahat. Ang dakilang lungsod ng Babilonia ay nahati sa tatlo at ang mga lungsod sa lahat ng bansa ay nawasak. Tinupad ng Dios ang sinabi niya tungkol sa mga taong nakatira sa lungsod ng Babilonia, kaya dumating na sa kanila ang parusa ng Dios, dahil sa matinding galit niya. Naglaho ang lahat ng isla at naglaho rin ang mga bundok. Inulan ang mga tao ng malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng 50 kilo bawat tipak. At nilait ng mga tao ang Dios dahil sa matinding salot na iyon.
Pahayag 16:18-21 Ang Biblia (TLAB)
At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot. At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan. At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan. At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.
Pahayag 16:18-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kumidlat, kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. Nahati sa tatlong bahagi ang malaking lunsod, at nawasak ang lahat ng lunsod sa buong daigdig. Hindi nga nakaligtas sa parusa ng Diyos ang tanyag na Babilonia. Pinainom siya ng Diyos ng alak mula sa kopa ng kanyang matinding poot. Nawala ang lahat ng pulo at gumuho ang lahat ng bundok. Umulan ng malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng halos limampung kilo bawat isa, at nabagsakan ang mga tao. At nilapastangan ng mga tao ang Diyos dahil sa nakakapangilabot na salot na dinaranas nila.
Pahayag 16:18-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)