Pahayag 14:11-13
Pahayag 14:11-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay mag-aalab magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.” Kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananampalataya kay Jesus. At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan.”
Pahayag 14:11-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang usok ng apoy na magpapahirap sa kanila ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga sa kanilang paghihirap, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.” Kaya kayong mga pinabanal ng Dios na sumusunod sa kanyang mga utos at patuloy na sumasampalataya kay Jesus, kinakailangang maging matiisin kayo. Pagkatapos, may narinig akong tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga taong namatay na naglilingkod sa Panginoon. Mula ngayon, makakapagpahinga na sila sa mga paghihirap nila, dahil tatanggapin na nila ang gantimpala para sa mabubuti nilang gawa. At ito ay pinatotohanan mismo ng Banal na Espiritu.”
Pahayag 14:11-13 Ang Biblia (TLAB)
At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.
Pahayag 14:11-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay mag-aalab magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.” Kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananampalataya kay Jesus. At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan.”
Pahayag 14:11-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)