Pahayag 13:5-10
Pahayag 13:5-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinahintulutang magyabang ang halimaw, manlait sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. Nilait nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. Pinahintulutan din siyang salakayin at gapiin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y iniingatan ng Korderong pinatay. “Ang lahat ng may pandinig ay makinig! Ang sinumang itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa digmaan ay sa digmaan nga mamamatay. Kaya't kailangang magpakatatag at maging tapat ang mga hinirang ng Diyos.”
Pahayag 13:5-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hinayaan ng Dios na magsalita ang halimaw ng kalapastanganan laban sa kanya at maghari sa loob ng 42 buwan. Nagsalita siya ng kalapastanganan laban sa Dios, laban sa pangalan ng Dios, sa kanyang tahanan, at sa lahat ng nakatira sa langit. Hinayaan din ang halimaw na makipaglaban at talunin ang mga pinabanal ng Dios. At binigyan din siya ng kapangyarihang maghari sa lahat ng tao sa mundo, anumang angkan, lahi, wika at bansa. Sasambahin siya ng lahat ng tao sa mundo na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat na listahan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan. Bago pa man likhain ang mundo, ang mga pangalan nila ay hindi na nakasulat sa aklat na ito na hawak ng Tupang pinatay. Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang mga bagay na ito. Ang sinumang itinakdang dakpin ay dadakpin. At ang sinumang itinakdang mamatay sa espada ay mamamatay sa espada. Kaya ang mga pinabanal ng Dios ay kailangang maging matiisin at matatag sa kanilang pananampalataya.
Pahayag 13:5-10 Ang Biblia (TLAB)
At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan. At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit. At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan. Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig. Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.
Pahayag 13:5-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pinahintulutang magyabang ang halimaw, manlait sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. Nilait nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. Pinahintulutan din siyang salakayin at gapiin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y iniingatan ng Korderong pinatay. “Ang lahat ng may pandinig ay makinig! Ang sinumang itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa digmaan ay sa digmaan nga mamamatay. Kaya't kailangang magpakatatag at maging tapat ang mga hinirang ng Diyos.”
Pahayag 13:5-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)